Jazmine’s POV Napasapo ako ng aking noo. Hindi ko kaagad minulat ang aking mga mata sa halip ay sa noo ako napahawak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa puntong ito. Nakapikit ang aking mga matang inaalala ang mga nangyari kagabi pero ang nasa dulo ng aking alaala ay iyong nasa table pa kami at masayang nagtatawanan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kasunod roon at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Oo nga pala, nasaan ako ngayon? Nang pumasok sa aking isipan ang mga katatagang iyon ay kaagad kong iginalaw ang aking mga kamay ko para libutin ang malambot na bagay na nakabalot ngayon sa aking katawan. A hot and masculine body suddenly impart at my hands. Mabilis akong napamulat ng mga mata nang maramdaman ko ang mainit na balat na iyon. Sa gulat ay bigla na lang nagising