TAONG 2021 (TAONG KASALUKUYAN) Azequil’s POV “Sir, ito na po ang blue print na hiningi ninyo sa akin,” napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng aking sekretarya sa aking likuran. Sa hawak niyang folder ako nakatingin. Alam kong sa mukha ko nakatuon ang atensyon niya ngayon pero hindi ko na iyon ininda pa. Sa blue print na hawak niya ang sadya ko. “Good,” tipid na wika ko saka ko tinanggap ang folder na hawak niya. I put my attention to the newly opened blue print in front of me. Napatingala ako sa gusali sa aking harapan ngayon. Palipat-lipat ang atensyon ko; sa blue print na hawak ko at sa gusaling hindi pa tapos at under construction pa. “I want to talk to architecture team ASAP,” wika ko sa aking secretary nang hindi ko siya binalingan ng tingin. Ilang mi