Jazmine’s POV Alas dyes nan ang gabi nang makarating ako sa condo kung saan kami madalas nagkikita ni Zeke. Alam kong sa mga oras na ito ay narito na siya. Alam kong sa mga oras na ito ay nasa loob na siya ng condo at naghihintay na lang sa pagdating ko. Sa puntong ito ay nagsimula na akong makaramdam ng mali. Pakiramdam ko ay may kung anong pumipigil sa sarili ko na gawin ito. Noon pa namin ginawa ni Zeke ang ganitong sitwsyon pero sa puntong ito ay kakaiba na. Noon ko pa sana gustong bumitaw. Noon ko pa sana gustong tapusin ang ugnayan namin ni Zeke pero sa tuwing pinapakita niya sa akin ang awa at sa tuwing pinipigilan niya ako ay wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang manatili na lang sa tabi nito. Wala naman kaming naging problem ani Zeke. Hindi kami nag-aaway at mas lalong