Jazmine’s POV Mag-isa akong nagkaupo sa matahimik na upuan na ito sa gitna ng ground sa unibersidad. Bitbit ang novel na kaslukuyang binsabasa ko ay mariin ko itong binuksan at nagsimula na ring magbasa. Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kagabi sa party. Parang kailan lang ay kay saya pa namin ni Zeke pero sa isang iglap ay magiging engage na pala siya sa ibang babae. Ang sakit isipin. Hindi ko alam kung iyon na ba ang huling pag-uusap namin; sa kalsadang iyon. Kung iyon na ang hulling pag-uusap namin ay sana makayanan ko lalo pa at naging parte na siya ng buhay ko at kailanman ay hinding-hindi ko siya maalis sa isipan ko. Sa gitna ng aking pagbabasa ay napaangat ako ng aking paningin. Itinuon ko iyon sa malawak sa ground. Sa malayo ay tanaw ko ang mga school athl