CHAPTER 32: Introduced THIRD PERSON'S P.O.V Habang nagmamaneho papunta sa building ng kumpanya si Leizer ay nakatingin siya kay Lia habang nakatanaw ito sa labas ng bintana ng sasakyan niya ng bigla itong napabaling sa kanya. "May gusto ako kainin," Biglang sabi ng dalaga sa kanya kaya naman ipinarada ni Leizer ang sasakyan sa tabi at saka ito binalingan. "What is it?" "Gusto kong kumain ng barbeque," Sabi ni Lia saka sila pumunta sa isang foodcourt at nang makalabas sila ng sasakyan ay parang bata na nagtatakbo si Lia papunta sa stall ng nagtitinda ng mga inihaw na pagkain. "Manang magkano po dito?" Agad na tanong ni Lia sa nagtitinda kaya naman ng sabihin nito sa kanya ang halaga ay napangiti si Leizer ng magpaihaw ang dalaga ng isaw at paa ng manok. "Is it safe to eat?" Agad na ta