CHAPTER 34: Trouble THIRD PERSON'S P.O.V Maagang gumising si Lia nang malaman na nakapasok na si Leizer sa opisina nito kaya naman ng magising siya ng maaga ay agad siyang nagpatulong kay manang na magluto ng paboritong ulam ni Leizer na giniling at dahil dun kaya naman natuwa sila manang, Melissa at Ruth dahil nakikita nilang masaya si Lia sa ginagawa nito. "Naku, mukhang masarap na naman yata ang lulutuin mo Ma'am ah," Nakangiting turan ni Melissa kaya naman natawa ng marahan si Lia. "Sabi ng kahit wag n'yo na ko tawagin na ma'am ayos na sa'kin na tawagin n'yo ko sa pangalan ko, isa pa mga kaibigan ko naman kayo kaya ayos lang," "Ang sweet mo talaga Lia kaya di kami nagsisisi na naging kaibigan mo kami e," Nakangiting turan naman ni Ruth. Kaya naman napangiti na lang si Lia sa sinab