CHAPTER 3

1829 Words
• JESSICA POV • Nagising ako sa kwarto ng boss ko dito sa office niya, napahilamos ako sa mukha ko at naalala ang nangyari kanina. "Ano bang nangyayari sayo Jessica! Hindi ka naman ganyan ah!" Sabunot ko sa sarili ko. Tinignan ko ang oras sa wall clock. "1:35 pm na pala, kaya pala nagugutom na ko." Dali-dali akong nagpunta sa CR niya dito para magbihis. "Good morning." "Ay tipaklong ka---" biglang sabi ko kay Sir Rylan. Pano ba naman paglabas ko ng CR agad magsasalita. "Ang gwapo ko namang tipaklong." "Ano ba naman yan Sir!" sabi ko dito. "Call me Rylan, Or honey," sabi pa nito sabay ngumiti. "Boss po kita," sabi ko dito "Pero mas maganda kung Honey na lang, like yung kanina." Nakangising sabi pa nito. "Honey." Sabay bulong niya sa'kin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko kaya naitulak ko siya. "Tumigil ka nga," sabi ko dito. Ngumisi naman siya. Bakit ganon! kapag lalapit siya sa'kin automatic na nag-iinit agad ang katawan ko tas tumatayo pa yung mga balahibo ko. Hindi yata tao to eh. "Are you done?" "Bakit Sir?" tanong ko. "I'm hungry. Let's eat," sabi nito "Hindi ka pa kumakain?!" Gulat na tanong ko sa kanya, anong oras na kasi tapos ‘di pa rin kumakain. "Yeah!" Tipid na sagot niya. "Bakit hindi ka pa kumakain? 1:45pm na oh! Nagpapalipas ka ng gutom." Ngumiti naman ito sa'kin. Ngiti ng ngiti eh kainis ang gwapo. "Tinapos ko muna kasi lahat ng kailangan kong pirmahan para wala na kong iisipin mamaya. Tsaka tulog ka pa kasi kanina ayoko naman gisingin ka kasi alam kong napagod ka." Bigla naman akong na estatwa sa sinabi niya. "Hahaha! Ang cute mo lalo kapag nagbu-blush ka." *Tsup* "Yaaaahhh! Bat ka ba nang hahalik bigla. Kanina kapa ha! Nakakarami ka na. I'm not even your girlfriend" Inis na sabi ko. "Sus! Jessica! gusto mo rin naman! Pakipot ka pa!" Bulong ng isip ko. "Don't pout! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at iuwi na kita sa condo ko!" Tinarayan ko siya dahil sa sinabi niya. "Tsk! Hindi mo ako asawa para iuwi sa bahay mo!" "Edi magpakasal muna tayo." Nakangising sabi niya. "Ahahaha! As if naman! par-" Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ng magsalita agad siya. "Seryoso ako! Gusto mo ba?!" "Wow! Kasal agad hindi man lang ako dumaan sa pagiging girlfriend mo?! Ano bang mga pinag-iisip mo!" Asar ko sa kanya. "Gusto mo ba maging girlfriend ko? Ok simula ngayon tayo na ah!" Sabay na sabi nito. "Hoy! Ayoko magkaroon ng boyfriend na maniac!" sabi ko agad dito. "What?!" Galit na sabi nito. Napalunok naman ako sa kanya. "I-- i mean ayoko muna magkaroon ng boyfriend, tsaka boss kita, ayokong pag-usapan tayo, akala ko ba ayaw mo kong mag quit?" Bigla naman nawala yung galit niya sa muka niya. "Yeaah! Don't quit." "Ok po boss," sabi ko dito. "Promise? you don't quit your job?" Paninigurado nito. "Uhm… Pag-iisipan ko pa po" Maikling sabi ko. “Hindi na kailangan pag-isipan ‘yan. Let's go i’m hungry, follow me," sabi nito kaya sumunod ako sa kanya. Paglabas namin ng office ay kinuha ko agad ang bag ko sa upuan ko, buti na lang malalayo ang ibang mga empleyado sa pwesto ko. Naku! Kung hindi, yari na. Sumunod ako kay Sir. Nasa likod lang niya ako, bawat empleyado na nakikita siya ay binabati siya, tumatango naman ito sa kanila. Mukhang mabait na boss nga si Rylan, halata naman sa mga empleyado niya, kaso lang sana iwasan niya yung pagiging maniac niya, perfect na sana siya. Pag pasok namin ng elevator ay isinara ko na agad ito. Hinila niya ako kaya napasubsub ako sa dibdib niya. "Sir." Sinunggaban niya agad ako ng halik. Pilit ko siyang tinutulak kaya nag wagi naman ako! "Don't bite your lips Ok!" sabi pa nito. "Nakakarami ka na Sir ah!" Tinaasan ko naman siya ng kilay! Wala na kong paki kung gusto niya kong tanggalin. Ok lang. Ang kaso ayaw niya nga eh. "Call me Rylan, pag wala tayo sa office Ok!" Maotoridad na sabi nito paglabas namin sa elevator, na pa buntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya papunta sa parking kung saan na ka park ang kotse niya. "Dito ka sa harap! 'di mo ako driver," sabi pa nito kaya sinara ko ang pinto sa likod at sa harap umupo. Mag si-seat belt na sana ako ng unahan niya kong kunin ito. "Ang lapit niya sh*t! Ang bango ng hininga niya!" "Aaahh Si-" Hinimas niya kasi yung thigh ko sabay sunggab sa bibig ko at hinalikan ako. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko kaya nakipag sabayan na ako sa mga halik niya, naging mapusok ang halik, bigla niyang ibinaba ang sandalan ng upuan ko kaya parang nakahiga na ako dito sa loob ng kotse niya, nakapatong na rin siya sa ibabaw ko. Habol hininga ang ginawa namin ng ihinto niya ang halikan namin. "Akala ko ba gutom ka Sir?! Anong ginagawa mo?" Tanong ko dito. "Yeah! I'm hungry... Pwede bang ikaw na lang kainin ko." Nakangising sabi niya. "Aahh! Aray! Sadista ka rin pala ano?!" sabi nito sa'kin, paano hinampas ko yung dibdib niya. Bumalik na siya sa pwesto niya at binuksan ang engine ng sasakyan niya, inayos ko naman ang upuan ko at binalik sa dati. "Wala ka bang pinipiling lugar basta umataki yung pagiging maniac mo kahit saan na lang?!" sabi ko dito habang nag di-drive na siya. "Wala eh!" Nakangisi pang sagot nito. Aba! Proud pa talaga siya. "Kaya ba nag quit yung dati mong secretary kasi di na nakayanan yung ginawa mo?" tanong ko dito. "Hoy! grabe ka! Oo aminado ako may pagka maniac ako! 'Di ko mapigilan yung sarili ko eh, pero namimili din naman ako ng gagalawin ko no!" Depensa niya. "Tsaka nag quit yung dati kong secretary dahil manganganak na 'yon." Dagdag pa niya "Whaaat! Na buntis mo siya?!" Gulat na tanong ko. "Hahahaha! Hindi ah! Kahit kailan hindi ko nahawakan 'yon no! Matanda na yon may 3 ng anak 'yon." Depensa pa niya. "Aaahh! Ok." Nakahinga naman ako ng maluwag! Teka bakit ba apektado ako? "Siguro may anak ka na no? puro panganay?" Tanong ko pa sa kanya. "What? wala! Ang bata ko pa para magka-anak," sabi niya pa. "Di ka nakaka sigurado! baka yung mga na biktima mo eh may nabuntis ka na pala," sabi ko pa. "Hello! Maingat ako no! Magaling yata 'to!" Proud na sabi niya. "Buti hindi ka kinakasuhan sa ginagawa mo?" Tanong ko. "Bakit naman? sila naman unang nagbibigay ng motibo, tsaka lahat ng naikakama ko mga nagtatrabaho sa bar at binabayaran ko sila." "Aaaahhh Ok! So ako naman ang isusunod mong biktima?" Nahinto niya ang sasakyan niya sa gilid ng high way at tumingin sa'kin. "Jess." Tawag niya sa'kin, kaya tumingin ako sa kanya, tinignan ko ang mga mata niya. "Don't compare yourself to them, Ok? hindi ka nagtatrabaho sa bar, secretary kita, at iba ka sa kanila, iba ka sa lahat Ok?" "*Tsup* Kaya wag na wag mong iisip na isa ka sa kanila." Dagdag pa nito. Automatic na napatango ako sa sinabi niya. Hindi ko alam sa sarili ko bakit ganto bigla yung nararamdaman ko sa kanya! 'Di ko maintindihan. Pinag patuloy na ni Rylan ang pagmamaneho niya, ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa isang… "Hotel?" takang tanong ko dito. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko agad sa kanya. "I have a meeting here mga 2:30 pa naman 'yon. Let's eat first." Bumaba na kami dahil nag pa valet service ito. Nakasunod lang ako sa kanya. "Wait me here, upo ka muna diyan, kunin ko lang yung key ng room natin." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit may kwarto pa? "Jessica let's Go. Kain muna tayo, gutom na ko eh! 'Di ako nag breakfast," sabi nito habang papunta sa isang restaurant dito sa loob ng hotel. "Eh bakit kasi hindi ka kumain muna sa bahay mo bago ka umalis?" sabi ko dito. "I have no time, tsaka walang pagkain! hindi ako marunong mag luto hehe." Sabay kamot niya sa batok niya. "Tsk!" sabi ko na lang dito sabay pinaghila ako ng upuan kaya umupo na ko. May dumating agad na waiter at binigyan kami ng menu. "What do you want?" tanong nito sa'kin kaya namili ako. "Ito po." Turo ko sa kanya. "'Ito lang?" "Drinks?" "Water melon shake." dagdag ko. "Isa nito, ito, ito tsaka ito." Order nito sa waiter, nilista naman ng waiter ang mga inorder niya. "Bakit parang ang dami mong inorder," tanong ko. "Isang menu lang kasi inorder mo kaya dinagdagan ko na, kaya ang payat-payat mo eh! ang hina mo kumain!" sabi nito sakin. "Hoy Sir." "Rylan! Wala tayo sa office," sabi nito. "Ok! Rylan. Hindi ako mahina kumain, sadyang matakaw ka lang kasi lalaki ka, at tsaka hindi ako payat! Ayoko lang tumaba! ang hirap kaya mag maintain ng gantong katawan!" Paliwanag ko dito. "Ok sabi mo eh..." "Bakit? payat ba talaga ako? pangit ba ko? Kaya iniwan nya ko?" bulong ko sa huling sinabi ko. Pinigilan kong wag maiyak sa sarap niya. "Honey! don't say that. Hindi ka pangit Ok? your pretty, lagi mong tandaan, hindi ka niya iniwan dahil sa katawan mo or ano. I know Red, sobrang mahal ka non, kailangan niya lang talaga panagutan yung kapatid mo dahil 'yon ang kagustuhan ng mga magulang niyo." Paliwanag ni Rylan sa'kin, tumingin ako sa mga mata niya, hindi nakatakas ang luhang pumatak sa isang mata ko kaya dali siya tumayo at tumabi sa'kin. "Don't cry honey. Promise! I will help you to move on," sabi pa nito. "It's Ok. I can handle myself. Thank you," sabi ko agad sa kanya. "Bumalik ka na sa upuan mo," sabi ko ulit dito. "I want here," sabi niya sabay sandal sa tabi ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko. Pinabayan ko na lang siya, 'di rin naman magpapapigil 'yang lalaking iyan. "Tanggalin mo yan. Isa!" Sita ko sa kanya, pano hinawakan niya yung legs ko. "Isa Rylan! Kapag may nakakita sa atin!" Sita ko. "Wala naman, natatakpan naman ng mesa tsaka tignan mo nasa corner tayo wala din naman tayong mga katabing kumakain ah?" Depensa pa niya, gumapang ang kamay niya sa thigh ko kaya nagtaasan mga balahibo ko. "Isa Rylan! Hindi mo ba mapigilan yang pagiging maniac mo?" Inis na sabi ko. Palapit na kasi ang waiter at may mga kasama ito dahil dala nila ang mga inorder ni Rylan. Pero parang walang naririnig si RYLAN at pinagpapatuloy niya pa rin ang ginagawa niya. "Kapag tayo nakita ng mga iyan magre-resign ako!" "Bakit ka magre-resign? Hindi naman nila nakikita!" "Kahit na! Babae ako ikaw lalaki. Kahit anong gawin mo sa akin pa rin ibabato ang mga masasamang tingin tsaka maduduming iniisip nila. "Subukan nila kung gusto nilang mawalan ng trabaho!" "Wala ka talagang takot ano?!" sabi ko sa kanya. Aba! ngumisi lang ang loko at tsaka pinagpatuloy ang paghimas niya sa thigh ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD