• 3rd PERSON POV • SUNDAY NG UMAGA, wala silang pasok kaya naman ay napagpasyahan ni Jessica na pumunta sa bahay ng kaibigan niya na si Brenda. Paggising nito ay wala na si Rylan sa tabi niya nabasa na lang niya ang text nito na may pupuntahan sila ng pinsan nitong si Marcus. Mag-isang kumain si Jessica ng almusal na siya rin ang may gawa. Nang matapos ito at nakabihis na rin ay agad na itong lumabas ng condo. Pagbaba niya sa lobby ay naisipan niyang sa kabilang building na lang dumaan dahil mas mabilis doon dahil pag labas mo ng building 4 ay may mga taxi na nakaparada doon, hindi kagaya sa building 1 ay kailangan mo pang mag-abang ng dadaang taxi. Palabas pa lang si Jessica ng building ng mahagip ng mata niya si Kaith. Napangiti ito at nagpunta sa gawi niya, nagulat ito at napahint