Storm's POV
Napaka-hectic ng schedule ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na alam kung anong araw na ba ngayon? Kung tapos na ba ang lumang pahina para sa buwan na ito? O nagsisimula na ng bagong pahina ng kalendaryo?
Malapit na pa lang matapos ang buwan ng Agosto nang sulyapan ko ang maliit na kalendaryo na nasa ibabaw ng aking working table. Ika-dalawampu't-lima na ng Agosto ngayon. Kung hindi ko pa naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa bintana ng kwarto rito sa opisina ko at napatingin ako sa maliit na kalendaryo, hindi ko pa mamalayan na malapit na pa lang magsimula ang Ber-months.
Pinabuksan ko kasi ito kay Aurora kanina dahil parang na-s-suffocate na ako sa amoy ng aircon. I want to breathe some fresh air, tamang-tama naman na lumalamig na pala ang klima.
Hindi na kasi ako makahinga sa kaliwa't kanang trabaho na inaasikaso ko na hanggang ngayon ay tambak pa rin sa dami nito. Sumasakit na ang ulo ko kakabasa ng mga dokumento at pag-analisa sa mga ito. Pati ang mga daliri ko sa kamay ay namamanhid na sa walang katapusan na pagpirma ko ng mga dokumento at mahahalagang kontrata na dapat ay maaprubahan ko na para masimulan na ang kontrata.
Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Hindi ko na rin alam kung ano ang una kong tatapusin.
Hindi na magkandaugaga ang assistant kong si Aurora sa pag-p-print ng mga dokumento na kailangan kong pirmahan at aprubahan sa araw-araw. Halos araw-araw ay alas nuebe na siya ng gabi umuuwi sa kanila para lang matapos niya ang mga kailangan kinabukasan. Kagabi lang hindi dahil sinabi kong maaga na siyang umuwi dahil baka mamaya ay magkasakit na siya, mas lalo akong mahihirapan kapag nagkaganoon. Wala pa naman makakapantay sa husay at sipag niyang magtrabaho.
Hindi bale, babawi ako sa kaniya sa araw ng sweldo niya. Dodoblehin ko ang kaniyang sasahurin pati na rin ang kaniyang overtime pay para naman mas lalo pa siyang sipagin sa susunod.
Mabuti na lang at nariyan din ang kakambal kong si Angela para saluhin ang ilang trabaho sa ilang sa kumpanya namin na hindi ko maharap. Lalo na ang clothing brand and perfume brand na ayaw mapabayaan ni Mommy dahil sarili niyang brand ito at kilala na halos sa ilang panig ng mundo.
Katulong niya ang asawa niyang si Cloud sa paghawak sa mga ito, na alam kong busy din sa pagpapatakbo ng ilang kumpanya na pinamana sa kaniya ni Ninong Sky, pero nagagawa pa rin tumulong sa amin ng aking kapatid para lang mapalago ang ilang negosyo na hawak namin.
Wala naman kasing ibang maasahan si Daddy kun ‘di ako lang talaga. Ako ang panganay, tapos iba naman ang linya na tinahak ng mga kapatid ko kaya wala akong choice kun ‘di ang mag-isang patakbuhin ang mga ito. Nagrereklamo na nga ako minsan sa kanila dahil bakit hindi na lang sila kumuha ng Business Ad dahil dito sigurado ang limpak-limpak na salapi na kanilang kikitain. Pero gaya ng madalas sabihin ni Daddy, kapag hindi mo linya, hindi ka kikita. Dapat may puso rin kapag ginawa mo ang isang bagay, may dedikasyon at pagpupursigi.
Kaya siguro hindi na rin niya pinilit ang iba ko pang mga kapatid na sumunod sa yapak niya. Mahirap kasi kapag hindi mo talaga linya, hindi mo ito mae-enjoy.
Doktor kasi ang kambal na sumunod sa amin ni Angela. Tapos iyong mga sumunod pa na kapatid ko ay mas pinili na pumasok na modelo at iyong isa naman ay nasa abroad at nagpapakadalubhasa sa pagiging scientist nito.
Though, tumutulong naman sila sa akin kapag hiningi ko ang tulong nila. Iyon nga lang hindi sapat, sa akin pa rin ang bagsak ng lahat ng trabaho pagkatapos. Mula sa pag-approve ng ganito, ganiyan at pagpirma ng mahahalagang kontrata.
Kayang-kaya ko naman patakbuhin ito ng walang inaasahan na tulong sa iba. Kaya lang, may oras talaga na nakakapagod at nakakasawa na. Parang gusto ko na lang matulog at kalimutan muna ang dami ng trabaho.
Nakakapagod at nakakasawa na sa totoo lang. Pero ito ang bumubuhay sa maraming pamilya na nagtatrabaho sa amin kaya dapat hindi ako tamarin. Dapat magpursigi pa ako na palaguhin ang mga ito dahil maraming pamilya ang umaasa sa akin.
“Mag-asawa ka na kasi, pare! Para naman magkaroon ka ng inspirasyon at mag-aasikaso sa iyo kapag pagod ka na umuwi mula sa trabaho!” Madalas ay kantiyawan ako nina Wind at Hero kapag nagrereklamo ako sa kanila na pagod na ako at parang wala ng kalatoy-latoy ang buhay ko. Tinatawanan ko na lang sila at madalas na hindi siniseryoso. Wala pa sa bokabularyo ko ang salitang pag-aasawa. May plano naman akong mag-asawa. Pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa nakikita ang taong dadalhin ko sa harap ng altar at magtatali sa akin sa kaniya habangbuhay.
I dated a lot of girls naman every now and then and end up with my bed pero hindi ko mahanap sa kanila iyong gusto kong makasama habang-buhay. Hanggang kama lang sila, hindi sila wife material.
Isa pa, alam ko naman na pera lang ang habol nila sa akin. Wala akong babae na nakasama na hindi nagparamdam na pera lang ang gusto sa akin. Yes, plus the looks that I got from the genes of my father and mother. Pero mas lamang ang salapi dahil isa akong multi-billionaire businessman na nasa ika-dalawampu’t limang pwesto ayon sa Forbes magazine.
Tsaka pag-aasawa?
Tsk! Tsk! Tsk!
Solusyon ba iyon?
Tumatanda na nga raw kasi akong binata pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong napupusuan. Dapat maghanap na raw ako ng mapapangasawa.
Sinagot ko sila ng ganito…
“I can hire some women who can take care of me and make me happy, especially on my bed,” sabi ko saka sinabayan ng pagtawa.
They just shook their heads. As if hindi sila makapaniwala na ito ang katwiran ko sa sinabi nila.
Pero katwiran nila, iba pa rin daw kapag asawa. You feel loved…masarap daw kapag alaga sa pagmamahal.
Hindi na lang ako umimik. Hindi ko rin naman alam ang aking sasabihin. Wala akong maisip na ikatwiran dahil wala rin naman akong laban sa kanila.
Wala kasi akong panahon sa pag-ibig dahil bahay at opisina lang ang routine ko sa araw-araw. Lalabas lang ako sa lungga ko kapag naimbinta akong mag-inom ng mga kupal kong kaibigan o kung maaya nila akong mag-out-of-town kapag may libre kaming oras.
Puro kami anak ng mga businessman, tapos magkakaibigan pa ang mga magulang namin kaya naging magkakaibigan din kami. Kami lang din ang inaasahan ng mga magulang namin sa henerasyong ito dahil pa-retire na sila sa paghawak ng mga negosyo.
Pare-pareho kaming abala sa kaniya-kaniyang business ng pamilya kaya alam kong alam nila na wala akong panahon sa ganito. Sila naisisingit nila dahil may karelyebo sila.
Ako, wala.
Hindi lang sila ang madalas akong kantiyawan ng ganito. Sa bahay din, sina Mommy at Daddy at mga kapatid ko. Nauna pa raw nag-asawa ang kakambal kong si Angela sa akin. Magkakaroon na ng ikalawang anak samantalang ako ay wala pang ipinakilala sa kanila.
Nakaka-pressure minsan. Pero wala akong magagawa dahil hindi pa ako handa. Siguro kapag nakita ko na ang para sa akin.
Aayain ko agad siyang magpakasal at hinding-hindi na siya pakakawalan.
Kung kailan mangyayari ito? Hindi ko rin alam. Sabi ko nga ay hindi ko pa nakikilala ang babaeng bibihag at magpapatibok ng pihikan kong puso.
“Sir? Are you busy?” Tinig ni Aurora mula sa labas ng pinto ng opisina ko dahilan para magising ako sa pagmumuni-muni ko. Napatingin tuloy ako sa suot kong relo at sa laptop ko na nakabukas dahil may binabasa akong dokumento.
Anak ng—kalahating oras ang nasayang ko!
Punyemas naman!
“No, why? Please, come in,” sagot ko na napapamura pa rin sa aking isip. Nagsimula akong magbasa muli ngunit nawala na ako sa konsentrasyon. Pilit pumapasok sa isip ko ang pesteng pag-aasawa na iyon!
Napakadaling sabihin ng iba ngunit para sa akin ay napakahirap gawin. Saan ako hahanap ng mapapangasawa? May napupulot kaya sa daan?
Kung meron lang, bakit hindi? Pero napaka-imposible naman iyon? Kahit anong pilit kong isipin ay parang ang hirap magkatotoo.
Buti pa ang pamangkin kong si Malik, malapit na siyang ma-engage. Samantalang ako, ni girlfriend wala akong maipakilala sa mga parents at kaibigan ko. Napakaswerte pa naman niya sa girlfriend niya. Bukod sa Diyosa na sa kagandahan, mukhang well-mannered at napakahinhin pang kumilos.
Gusto ko ng ganoon.
Nakakasawa na ang mga babaeng dinadala ko sa kama. Puro sila wild na akala mo ay ngayon lang nakatikim ng lalaki. Kulang na lang ay isubo na nila ng buo ang ahas ko. Pasalamat sila at mahusay sila sa pagpapaligaya sa aking ibaba. Kaya naman kapag natutuwa ako ay binibilhan ko sila ng gusto nila.
Pero nakakasawa ang ganoon. Gusto ko naman ng mahinhin, iyong hindi makabasag pinggan gaya ng nobya ni Malik.
Ano na nga ang pangalan niya?
Damn! I forgot!
Virgin pa kaya iyon?
I think so. Ang layo kasi ng distansiya nila ni Malik noong kumain kami sa resto. Kasi kung ibang magnobyo ito ay halos dikit at sweet na sweet sa isa’t isa na akala mo ay hindi mapaghihiwalay. Pero sila hindi, parang iwas na iwas ang babae na madikit kay Malik.
It was just base on my observation, ewan ko na lang kung tama ko. Oh, baka naman nahihiya lang iyon dahil kasama ako?
Pero kahit tama ako, ano ang mapapala ko?
Well…base on my observation too. Parang hindi talaga sila bagay ng pamangkin ko.
Parang… hmmmnnn....mas bagay kami.
“Ha ha ha!!!” Natawa ako ng mahina dahil sa aking naisip. Natigil lang ako sa ginagawa ko at umayos agad ng upo nang makita kong nasa harapan ko na pala ang assistant ko at ang daming dalang bagong set ng mga dokumento!
Umay!
Ayoko na sa earth!
Need ko na nga yatang mag-asawa para magkaroon ng inspirasyon sa pagtatrabaho!
Maaga akong umuwi sa amin kahit marami pa akong trabaho na hindi natapos. Pwede naman iyon ipagpatuloy bukas pero ang antok at pagod na nararamdaman ko ay kailangan ko ng ipahinga sa kama ko.
I want to rest early, pakiramdam ko ay magkakasakit na ako sa walang tigil na aking pagtatrabaho. Mas mahirap iyon kaya mas uunahin ko muna ang magpahinga. Makakapaghintay naman iyong trabaho ko sa opisina. Kaysa naman hindi ko na matapos kapag natuluyan ako.
I promised to myself that I will go on vacation once I finish all my work. Pero parang hindi nga natatapos, paano may panibago na naman kapag patapos na ako.
Ah, basta! Magbabakasyon ako!
“Oh, nariyan ka na pala, Storm? How's work? How's the company?” Puna ni Mommy nang makita niya akong bumungad sa living room. As usual, nanonood na naman siya ng mga Korean series na ewan ko ba kung paano niya napagtitiyagaan. Ang hahaba bago matapos, tapos puro love story pa. Si Daddy ay hindi ko naispatan kung nasaan. Malamang nasa kwarto nila o kaya ay nasa galaan. Ang mga kapatid ko, ewan. Pero nakita kong nasa garahe ang kanilang mga sasakyan.
“Good evening, Mom. Fine, heto pagod na naman po,” sabi ko bago ako humalik sa pisngi na nakagawian na naming magkakapatid kapag umuuwi kami sa bahay.
“Take a break from work, hijo. Kaya hindi ka makapag-asawa dahil puro ka na lang trabaho.” Sermon bigla ni Mommy kaya mas lalo akong nanghina at sumakit ang ulo.
Here we go again, pag-aasawa na naman. Akala nila madaling maghanap ng mapapangasawa. Kung sana oo kahit pumulot na lang sana ako sa kalsada.
“Mom…hindi ko pa—”
“...nahahanap ang babaeng magpapatibok ng iyong puso," dugtong ni Mommy na kabisado na ang linyahan ko kapag ganitong napunta na sa ganitong topic ang usapan.
“Exactly,” natatawa kong sabi na naupo sa tabi niya at yumakap sa baywang niya.
“Paano mo kasi mahahanap kung puro ka na lang trabaho? Take a break, hayaan mo muna ang mga trabahong iyan. Pwede pa naman ang Daddy mo, o kaya ang assistant niya na mapagkakatiwalaan naman pagdating sa ganiyan.”
Umiling ako sa sinabi ni Mommy. “Ilang taon na pong nagtatrabaho si Daddy, kaya nga po sinalo ko lahat ay dahil gusto ko namang ma-enjoy ang buhay kasama po kayo.”
“Ilang taon na rin naman siyang nagpahinga, tsaka saglit lang naman siyang uupo. Sasamahan ko naman siya kaya magkasama pa rin kami sa ano mang oras,” katwiran naman ng aking ina.
“No, Mommy. Huwag na po, gusto ko pong magpahinga na si Daddy sa trabaho. Don't worry, magpapahinga rin po ako. I am planning for a vacation to rest from work.” Sabi ko para hindi na mag-alala pa si Mommy sa akin. Na okay lang ako at kayang-kaya kong i-handle ang lahat.
“How about looking for a wife? Isisingit mo ba iyan sa pagbabakasyon mo? Hindi ka na bumabata, Storm! Bigyan mo na kami ng apo ng Daddy mo.”
Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Mommy. Parang sasakit lalo ang ulo ko sa hinihiling niya sa akin.
Kaya naman wala akong nagawa kun ‘di umoo, kahit na imposible na magawa ko ay umoo na lang ako.
“Okay…okay…fine! Maghahanap na po ako.” Sabi ko kahit hindi ako sigurado na magagawa ko ngang maghanap ng mapapangasawa.
Bahala na...kung para sa akin ay ibibigay naman Niya.
Pero nakaka-pressure! Saan kaya ako maghahanap ng mapapangasawa?
Kung may mapupulot lang sana sa daan!