Chapter 46: Self-harm THIRD PERSON'S P.O.V Habang natutulog si Devine sa kama ay mabilis naman siyang nagising ng marinig ang malakas na pagbukas ng pinto sa kwarto nila ni Dominic. Doon nakita ni Devine na dinalhan ulit siya ng mga katulong ni Dominic ng pagkain. Hawak ng isang katulong ni Dominic ang tray at hindi naman namalayan ni Devine ang pagpasok ni Hudson sa silid. "I told you this so many times already. I'm not going to eat anything if Dominic doesn't remove this chain!" Devine yelled at them. Pero kahit na sinigawan na ni Devine ang mga ito ay hindi naman nagpatinag ang mga katulong ni Dominic. Tila hindi na nasisindak sa kanya ang mga katulong ng lalaki kaya napalunok si Devine. Hindi kasi alam ng dalaga kung anong binabalak ng mga 'to kaya naman inobserbahan niya ang mg