PROLOGUE

1590 Words
Prologue: The Beginning THIRD PERSON'S P.O.V "I'm sorry, Heaven, but I'm firing you." Ms. Maxine, Heaven's boss at the Moonlit Jewel Club and Parlor she's working at, said seriously. Heaven is a female courtesan. And in the parlor club she's working, Heaven is the top paid girl among his colleagues because she has many wealthy customers. Nanlalaki ang mga matang sumagot ang babae. "Madam! Bakit naman ako natanggal sa trabaho ko? Maayos naman 'yong performance ko 'di ba?!" Mabilis namang nilapitan si Heaven ng boss niya saka hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. "Hindi naman 'yon ang dahilan. Tinanggal na kita sa trabaho dahil may customer na bumili sa'yo. He offered a one hundred million dollars! Payag akong fifty-fifty ang hatian natin basta pumayag ka lang na magsilbi sa kanya!" Nasapo ni Heaven ang noo niya at napahawak siya sa kanyang bewang dahil hindi niya mapaniwalaan ang amo niya. Hindi niya akalain na dahil lang sa pera ay nawalan siya ng trabaho. "Madam naman! Alam n'yo namang kailangan ko ng permanent job! Ito na nga lang ang trabaho ko, kinuha n'yo pa! Kapag naubos 'yong pera na pinagbili n'yo sa akin, paano ko pa bubuhayin ang kapatid ko?" seryosong tanong ni Heaven sa amo niya. "Heaven, trust me! Mr. Armani likes you! Sinabi niya sa akin na hindi mo na kailangan magtrabaho 'pag sumama ka sa kanya. He's waiting downstairs, you should meet him." Maxine explained calmly. Wala namang nagawa si Heaven kundi ang makinig sa amo niya. Kailangan niya rin kasi makausap ang lalaking bumili sa kanya. Marami na kasing naging customer si Heaven, at karamihan sa mga 'yon ay hindi niya na matandaan. Bumaba sila Heaven sa unang palapag ng parlor. Magkahiwalay kasi ang club at parlor ng Moonlit Jewel. Kaya naman ng makababa sila sa entertainment area, ay nakita kaagad ni Heaven ang isang lalaki na napapaligiran ng mga men in black. Tinuro ni Maxine kay Heaven ang lalaking nakita niya. "That's Mr. Armani. You should talk to him. Sabihin mo lang sa kanya ang mga kondisyon mo para pumayag kang umalis sa parlor." payo ni Maxine kay Heaven. Tumango na lang ang babae, bago nagsimulang maglakad palapit sa pwesto ng lalaking tinuro ng boss niya. Huminga pa nang malalim si Heaven, saka huminto sa harapan ng lalaki. Napansin kaagad ni Heaven kung paano siya titigan ng lalaki mula sa kanyang paa, paangat sa kanyang mukha. "Are you here because you found out that I bought you from your boss?" the man asked Heaven before his staff lit the cigarette in his mouth. Napalunok ang babae bago tumango. "Anong kailangan mo sa akin?" mariing sabi ni Heaven. "What I am asking of you is not difficult. I want you to be my wife. When you marry me, you will no longer work in this dirty place. I want you to serve me. I am the only one who can touch you and have sex with you after we get married. In exchange for what I want, I will give you everything you need." The man proposed to Heaven seriously. Mabilis na nalaglag ang panga ni Heaven dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Tama ba siya ng narinig? Na gusto siyang pakasalan ng lalaking nasa harap niya? "Sir, nagbibiro ba kayo?" pagak na natawa si Heaven ng tanungin iyon. The man's eyebrows rose quickly. "Do I look like I'm joking? Do you think I'll be wasting my time talking to you if I'm just joking?" The man answered Heaven bluntly. Natahimik si Heaven. Bigla na lang din kasi niya naramdaman ang pagbabago ng ihip sa paligid nila. Ramdam din naman ni Heaven na seryoso ang lalaki. Huminga muna nang malalim si Heaven bago nagsalita ulit. "Sir, mukhang mali kayo ng pinunta rito. Hindi rin naman kasi ako magtatrabaho sa lugar na 'to, kung no'ng una pa lang ay balak ko na magpakasal sa kahit na sino. Nagtatrabaho ako rito para mabuhay, hindi para magpatali sa kung kanino." The man's face darkened quickly. "Are you saying you're rejecting my proposal? Even though I already paid your boss—one hundred million dollars just to buy you?" he asked the woman firmly. "Excuse me, sir. Hindi ko naman kasi pinagbibili ang sarili ko. Kayo lang naman itong nag-offer ng pera sa boss ko para bilhin ako. Hindi naman ako sang-ayon sa gusto mo!" malamig na sagot naman ni Heaven. Nakita ng babae ang ilang beses na paghithit ng lalaki sa yosi nito. Mas tumalim pa ang tingin nito sa kanya, bago ito nagpasiyang tumayo sa harapan niya. Bumuga muna ng usok ang lalaki bago ito nagtanong ulit. "Tell me, what do you need? Because if all you need is money, so I can get you to marry me, you don't have to think twice. I can buy you anything in this world, just tell me what you want. When you marry me, you don't have to work. You'll just lie in the mansion while waiting for me to come home. When I become your husbans, you will experience how to be a queen. And I can prove that to you." Sa katunayan, nang marinig ni Heaven ang sinabing iyon ng lalaki ay parang naakit din siyang pumayag. Isa kasi sa mga pangarap niya ay maranasang humiga sa higaang punong-puno ng pera. Kaya nga nagkukumahog ang dalaga na ibenta ang sarili niya sa iba't-ibang lalaki, ay para matupad ang matagal na niyang mga pangarap. Kahit pa na ang puri at pagkababae niya ang madungisan, maabot lang ang matagal na niyang pinapangarap. "Bakit ako pa ang napili mo? Marami naman ang babaeng nagtatrabaho rito sa Moonlit Jewel." naguguluhang tanong ni Heaven. "That's why I didn't choose them... it's because they weren't you. You're the one I want, so whatever answer you're waiting for from me... you'll hear nothing else, besides you being the one I wanted to marry." the man said seriously before he motioned to his staff to take his remaining cigarette. Hindi nakasagot ang babae. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari para sa kanya. Bukod pa do'n ay hindi sigurado si Heaven, kung makakatanggi pa siya sa alok nito. Kung sa katunayan nga eh, hindi na siya lugi sa alok nito. Gwapo naman ang lalaki kahit na moreno ang kulay ng balat nito. Halata ring alaga ng lalaki ang katawan nito. Bukod pa dun ay kahit hindi naman sila masyadong magkalapit ay naaamoy pa rin ni Heaven ang matapang nitong pabango. Huminga muna nang malalim si Heaven bago tumingin sa lalaki ng ilang segundo bago sumagot. "Okay, sige. Pumapayag na ako sa kondisyon mo, pero pwede bang bukas na ako umalis? Kailangan ko pa magpaalam sa mga kasama ko." The man shook his head at what she said. "You're not in any position to order me, miss. You need to come with us now. I will give you half a minute to pack your things here. If you don't immediately follow us to the car when the grace period I've given you is over, my men will drag you out themselves. Is that clear?" the man instructed the lady coldly. Heaven didn't answer and just nodded slowly even though she was annoyed by the man's actions. Hindi naman kasi sigurado si Heaven kung sino ba ang lalaking nasa harapan niya kaya naman wala siyang magawa kundi ang makinig na lang. Tinalikuran na siya ng lalaki at sumunod naman ang mga tauhan nito. Si Heaven naman ay nagpasiyang bumalik sa kwarto niya sa taas na palapag ng parlor para mag-impake ng gamit niya. At habang abala si Heaven sa pagliligpit ng mga gamit niya, ay may kumatok naman sa pintuan niya. Binuksan naman ng dalaga ang pintuan niya para silipin kung sino ang kumatok sa pinto niya. "Sis, totoo bang aalis ka na rito?!" mabilis na tanong ng kaibigan ni Heaven sa kanya pagbukas niya ng pinto. "Natalie? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa kaibigan pabalik. Napairap naman ang kaibigan niya. "G*ga, ano ba sa tingin mong ginagawa ko rito? Syempre tutulungan ka mag-impake. Isa pa gusto ko lang itanong, kung totoo bang iyong leader ng Golden Dragons Organization ang bumili sa'yo?" Mabilis na kumunot ang noo niya. "Huh? Anong sinasabi mo?" Napasinghap naman si Natalie. "Oh my gosh! Hindi mo ba alam? Si Mr. Primo Cesare Armani, ay isang Italian-Filipino, ang siyang namumuno sa malaking mafia organization dito sa Pinas at sa Italy. Girl, siya lang naman ang lalaking bumili sa'yo! Don't tell me... hindi mo tinatandaan ang mga nagiging customers mo? Hindi mo ba naaalala na siya 'yong isa sa mga nagustuhan mong customer, dahil maganda ang katawan at pak na pak din ang performance sa kama!" paliwanag pa nito. Mabilis tuloy natigilan si Heaven sa pagliligpit ng gamit niya, dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Hindi naman kasi tinatandaan ni Heaven ang mga nagiging customer niya. Kaya rin siguro hindi na nabigla ang dalaga kanina ng makaharap niya ang lalaki, ay dahil nakita niya na rin ito noon. "Wala talaga akong ideya sa mga sinasabi mo. Hindi ko naman alam na isa pala siyang mafia leader. Ibig sabihin ba nito... magiging asawa ako ng isang mafia boss?" nasapo ni Heaven ang bibig niya para takpan iyon. Mabilis ang tibok ng puso niya at nagsimula na siyang hindi mapakali. Natakot kasi kaagad si Heaven sa isipin na ang magiging asawa niya pala ay isang mafia boss. "Well good luck sa'yo, girl! Sana lang ay mapaamo mo ang isang... The Great Armani. Basta, iinvite mo ako sa kasal ah!" sabi ni Natalie kay Heaven bago ito bumungisngis. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD