Chapter 42: Longing THIRD PERSON'S P.O.V Nang makabalik si Dominic at Devine sa mansyon ay kaagad namang nagpaalam ang dalaga na magpapahinga na sa silid nito kaya naman ng makaalis si Devine sa sala ng mansyon ay kaagad namang tinawag ni Dominic si Hudson. "Gusto kong imbistigahan mo kung saang kwarto natulog kagabi si Devine. Sigurado akong may hindi sinasabi sa akin ang babaeng iyon." seryosong sabi ni Dominic kaya naman mabilis na tumango si Hudson bago umalis sa harapan ni Dominic. Mabilis namang kumuha ng sigarilyo si Dominic bago iyon hinithit bago ibinuga ang usok ng sigarilyo. Alam ni Dominic na maaaring si Primo ang lumapit kay Devine sa party dahil napansin ni Dominic no'n kung paano tumingin si Primo kay Devine ng makita ito ng lalaki sa party. Tama naman si Primo ng hina