Chapter 33: Result THIRD PERSON'S P.O.V Isa-isang tumumba ang mga katawan ng mga tauhan ni Dominic dahil natamaan ang mga ito ng bala sa ginawang pagbaril ni Primo. Sobrang galit na galit ang lalaki at nanlilisik na ang mga tingin nito sa kanila habang hindi ito tumitigil sa pagpapaulan ng bala sa kanila. At dahil sa nasaksihang iyon ni Dominic ay tila nagsisi siya sa ginawa dahil hindi niya aakalain na ganun na ang mangyayari kapag sinaktan niya ang asawa nito. "F*ck, he's insane!" Dominic commented before holding his gun and trying to shoot Primo. Tinamaan kaagad si Primo sa braso pero tila wala itong naging tama dahil nagpatuloy lang si Primo sa pagpapaulan ng bala sa mga tauhan ni Dominic. At nang makalapit na si Primo ng tuluyan kay Dominic ay hindi naman nagdalawang isip si Pr