bc

The Black Eagles VII: Wesley Thompson

book_age16+
184
FOLLOW
1K
READ
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Private class Wesley Scott Thompson of Philippine Marine Corps. Tracker and a sharpshooter. Paano mapapatibok ang isang pusong nasanay na mag-isa?

Nasanay siyang nakukuha ang anumang naisin mapabagay o babae

chap-preview
Free preview
Prologue
Quezon Province, 2014 Tanaw ni Lana mula sa sasakyan ang luntiang paligid habang pauwi sa bahay ng pinsan na si Xander. Ilang taon na rin siyang nakatira doon mula nang mag-desisyon ang inang mag-asawang muli at bumalik sa syudad. "I'm sure hindi alam ni Xander ang ginagawa mo." Untag ng nagmamaneho na si Wesley. She almost rolled her eyes. Matalik itong kaibigan ng pinsan. At kanina ay nahuli siya nitong may ginagawang ka-werduhan, his choice of word, sa isang coffee shop sa bayan kasama ang kaklaseng si Mark. "I am not doing anything wrong." Inosenteng depensa. "Well, para sa tulad ko ay normal na tanawin ang dinatnan ko. Pero bakit hindi niyo ito ginawa sa pribadong lugar." Pinanlakihan niya ito ng mata. Xander's friends are treating her like a sister too, kaya given na ang pagiging overprotected ng mga ito. Madalas magbakasyon si Westley sa masyon kasama ng isa pang kaibigan na si Fritz. "I told you, that was for the experiment." Napilitan siyang ipaliwanag ang dahilan kung bakit dinatnan sila nitong hinihimas niya ang ilang parte ng katawan ng kaibigang lalaki. "Para sa akin natitiyak kong hindi yun kasama sa thesis na ginagawa mo." "Hindi nga!" Nayayamot na sagot saka sinabi ang tungkol sa nahanap niyang online job. "Don't tell kuya Xander about it, okay." "Bakit hindi mo gustong malaman niya? Siguro may ginagawa kang masama ano." "Ilang beses ko bang uulitin na wala nga akong masamang ginagawa!" "Then why are you being defensive." Hindi napigilan na akusasyon ni Westley. "Tell me more about that online job of yours. Kapag nakumbinsi mo ako ay hindi ko sasabihin kay Xander ang nakita ko." Parang galit na asong biglang umamo si Lana. Magalit na ang lalaki sa kanya pero hindi pwedeng malaman ng pinsan ang ginagawa. Hindi naman kasi ito nagkukulang sa suportang binibigay nito sa kanya. Pero buo na ang desisyon niyang mag-freelancing sa hinaharap. Hindi niya kayang iwan ang pagiging Otaku. Ang Otaku ay Japanese word na tumutukoy sa isang taong may obsessive na mga interes, at maaaring mag-apply sa isang malawak na iba't ibang mga paksa, kabilang ang anime, manga, cosplay, collectibles at iba pa. At ngayon naman ay nag-uumpisa na din siyang ma-addict sa kapapanood ng mga Asian drama na patok na patok sa masa. Na siyang dahilan kung bakit nawalan siya ng interes makihalubilo sa ibang tao. Ang ginagawa niya ay isang preparasyon para kahit nasa bahay lang ay may mapagkuhaan siya ng gagastusin sa sarili. "I'm waiting, Lana..." "Eh kasi Kuya Westley..." napilitan siyang ibahagi rito ang plano. "Please don't tell Kuya Xander. Please, please..." "So wala kang balak magpa-Maynila pagkatapos ng graduation mo? Paano ang tinapos mo?" Nagyuko siya ng ulo. "A-Ayoko doon. I like living in the province." "Pero kailangan mo ring ma-expose. How can you grow as a person if you will stay hidden." "Hindi lahat ng tao ay gustong ma-expose sa mundo. I will live like Nay Pilar. Simple lang ang buhay para sa kanya." I will have my own world. Si Westley ay hindi makuhang sumagot. He knew that Xander's distant cousin is weird. Maging ang kaibigan ay yun ang opinyon dito, and so the rest of the gang. Kaya hindi na bago ang kwento nito. But he isn't convince. "Bakit hindi kay Xander mo gawin ang experiment na gusto mo. Para naman hindi sa pampublikong lugar ka gumagawa ng ka-werduhan mo." "To him? Eh di nalaman niya ang plano ko. Sekreto nga diba! Saka hello, ang weird naman nun, he is my older cousin." Kinilabutan si Lana sa naisip na eksena. "At kung sa private naman namin gagawin ni Mark ang bagay na yun, eh di mas lalong weird. Though alam kong hindi naman niya ako gagawan ng masama, that is my last option." "I don't trust him." "Hindi mo siya kilala-" "Lalaki pa rin siya. At nasa edad siya na naghahanap ng mga karanasan. Makinig ka sa mas nakakatanda sayo." Yeah right, makinig ka sa may karanasan, sabay ingos ni Lana at sandaling tinapunan ito ng tingin. "Well, he is the only man I know. Kailangan ko ang experience para magawa ko ng maayos ang trabaho ko. Unless..." hindi niya natapos ang sasabihin at sinipat ang katawan nito. Isang ideya ang biglang pumasok sa isip. "Hmmm..." Westley raised one of his eyebrow. "Unless what? Hindi ko gusto yang ginagawa mong pagsipat sa akin. Hey-" inalis ng binata ang isang kamay mula sa hawak na manibela at tangkang tatakpan ang mata ni Lana. "Baka kung saan dumapo yang mga mata mo!" "Walang malisya Kuya Wesley. You are like an older brother. With our age gap and all." Nabuhay ang excitement sa tinig. "Are you staying in the mansion for a few days?" "Whatever idea you have in your mind, you better drop it off. Wala akong panahon sa kalokohan mo." Lana pouted. "Okay..." "You have to promise. Huwag mong hayaang ang Kuya Xander mo ang makaalam ng nakita ko." She made no response. Wala siyang balak itigil ang trabahong ka-uumpisa lang. Pasado na ang storyline ng manga na gagawin niya. May kausap na rin siyang translator na Nihongo. All she has to do is to improve her graphics. Walang problema sa babae. Sa lalaki naman ay okay na sana ang lahat, pero sa part na kailangan i-illustrate ang hubad na katawan ay sinabihan siyang kailangan niyang ulitin ang sample. If not, her current work will not be realistic. Hindi daw bagay sa kwento ang drawing na ipinasa niya. So, she decided that she needed an inspiration. "Lana..." "May mga bagay na kailangan kong harapin mag-isa. I'm not a child anymore. Hindi habang-buhay ay magtatago ako sa pangangalaga ni Kuya Xander." Nilingon muli ang katabi. "We have to chase our own happiness. At sa ngayon ay ang trabahong ito ang nagpapasaya sa akin. Either you will help me by allowing me to use your body, or I will ask Mark to do it with me in private." Sabihin pa'y gustong mawindang ni Westley. Kinalakihan ng binata áng straightforward na pananalita ng mga babaeng naka-date na. But this girl is different. "I'm having a goosebumps with your choice of words." "Hindi lang ikaw ang tumatanda. Kahit na nasa liblib na lugar ako ay kaya kong makibagay sa pag-modernized ng mundo. At wala akong nakikitang masama sa gusto kong mangyari." Inalis ni Lana ang seatbelt habang hinihintay silang pag-buksan ng mataas na gate. "I'll see you inside. May deadline ako sa trabaho kaya kung willing kang tulungan ako ay pwede kang kumatok sa kwarto ko anumang oras." Hindi na ito hinintay na makasagot at may lihim na ngiti sa labing nagpatiunang bumaba ng sasakyan. Mukhang hindi na maiko-konsidera na kapalpakan ang nangyaring pagkahuli sa kanya. He might help her finish the project as soon as possible. At hindi pa man nakaka-graduate sa college ay mahahawakan na ang perang galing sa sariling sikap. "I'm sure they will like it." Palihim na nilingon ang pinagmulang sasakyan bago magmano kay Mang Istoy na siyang nagbukas ng gate. Saka dumiretso sa patio habang lingon-likod. "You are one of the inspirations for my main character after all. You will be a big part of the masterpiece!" Sabay hagikgik at kipkip ang canvass na tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Pero sa pagkadismaya ay hindi nangyari ang nais. Umalis kasi si Westley kasama ang kaibigang si Fritz at nagpunta ng bayan. Tiyak na lasing ito pag-uwi. Or else, baka bukas na makakabalik. "I'm going to waste my time waiting for you." Nakasimangot na naglakad papunta sa library at tumawag sa landline nila Mark. Agad naman itong pumaya sa nais. Kinabukasan ay ipinagpaalam niya sa mag-asawang caretaker ng bahay, at siyang tumatayong tagapag-alaga niya na sina Tay Istoy at Nay Pilar ang pagdating ng bisita. Hindi naman kumontra ang mga ito dahil kilala ng mga ito ang binata. Nasa kwarto siya at katatapos lang maligo nang makarinig ng katok. Inakala niyang si Nay Pilar yun kaya agad niyang binuksan. Naka-roba lang siya at nakabalot ng tuwalya ang buhok kaya agad siyang sinagilan ng hiya. "K-Kuya Westley." Tumaas ang kilay nito. "Are you planning to wear just that in front of your friend?" "N-Nariyan na ba si Mark? Sandali lang at magbibihis ako. Isasara na sana ang pinto ng pigilan siya nito. "Pinauwi ko na siya." "What-" Hindi na naituloy ang sasabihin dahil naramdaman nila ang pagbukas ng pinto sa di-kalayuan. On instinct ay nahila ni Lana si Westley papasok sa loob ng sariling kwarto. Sandaling sumilip at nakita ang kaibigan ng kausap. "It's Kuya Fritz." Si Westley ay hindi pinansin ang sinabi ng dalaga at agad inikot ang mata sa paligid. Tulad ng inaasahan ay magulo ang kwarto. Nagkalat ang maraming libro at kung ano-ano pang kagamitan sa lapag at sa mesa. Very unladylike. Tanging ang kurtina at kobre-kama ang nagbibigay senyales na babae ang umuokupa. "H-Hindi pa ako nakakapaglinis. You can leave later. N-Nasa corridor pa ang friend mo." Hindi sumagot si Westley at naglakad sa kumpol ng mga libro. "Comics?" "T-That's mangga!" Agad inagaw ni Lana ang hawak nito. "I'm busy, kaya hindi ako nakapag-tidy up." "Hindi ka marunong makinig. At balak mo pang dalhin dito ang kaibigan mo." "I told you I don't have a choice." Kung bakit kasi ayaw mo pang ipagamit sa akin ang sarili mo. "What do you want from him, Lana? This is not the appropriate action of a nineteen years old lady." Pinagdiinan nito ang huling salita. "I just need to see and feel his naked body. That's all!" Bago pa ito makapag-isip ng masama ay ipinaliwanag ang ibig sabihin. "Ang alam ko ay pinakabitan ni Xander ng internet ang bahay. Kahit gaano kahina ang signal, I'm sure pwede kang mag-research ng hubad na lalaki. Hindi mo kailangang ipagpilitan ang gusto mo" "I did! But they're not satisfied." "Paanong hubad ba ang kailangan mo?" "I just need to feel it in my hands." She blushed when she saw the shock registered on his handsome face. "Why don't you say yes if you are worried? Wala namang malisya yun sa akin. Baka sa'yo meron." "Ilan taon kana nga ba? You are not even my type." Muntik ng malaglag ang panga. She is aware of that. Hindi naman lingid sa kaalaman ang tipo ng mga babaeng dini-date ng kuya Xander niya at ng mga kaibigan nito. "So, what's stopping you then. Either ways, I have to do it. Sayo man o kay Mark. Or kahit na sinong available na papayag sa gusto kong mangyari." "You won't let go of this, are you not?" "Never!" Dinala sa dibdib ang kamay at nag-abrisyete. Sandali itong nag-isip. At habang ginagawa nito yun ay nag-excuse siya upang magbihis sa banyo. Pinapa-awkward ng kasuotan ang naturang sitwasyon. Aksidente pa nga niyang nahuli na dumapo ang mata nito sa mga binti niya kanina. Hindi ka niya type, sigaw ng utak. "Well, hindi ko rin type ang lalaking halos kalahati ng edad ko ang tanda sa akin." Paglabas ay ibinigay ni Westley ang kasagutan nito at hindi niya napigilan ang magiging ang mata. "Really? Can we start now then?" "Hindi ka ba magpapatuyo muna ng buhok mo?" "Doesn't matter. Baka magbago pa ang isip mo. Please have a seat-" ituturo sana ang kama ng manlaki ang mata. Agad pinagda-dampot ang ilang undies na naroon at itinago sa likod. "I-I only wear them at home!" Tumawa si Westley. "Ano yan United Nation?" Hindi siya sumagot at inihagis ang ibat-ibang kulay ng undies na may floral designs pa sa nakatiwangwang na aparador. "Y-You can sit there. And you can start undressing yourself." Sandaling tumalikod at nakagat ang labi habang dinadampot ang canvass sa nanginginig na kamay saka lumapit rito. Lihim siyang pinamulahan ng masilyan ang hubad na katawan ng kaharap. She rarely see a naked man. Sa tuwina ay nahahagip ng mata ang pag-alis ng pag-itaas ng pinsan o ng mga kaibigan nito. But never this close. Hindi napigilang mapalunok ng makita ang tattoo sa likod nito "Y-You really have it too. That black eagle tattoo." She found herself dumbfounded while staring at his back. "Yan na ba ang umpisa ng gusto mong gawin?" "S-Sorry. I don't usually see something like this. But for some reason, whenever I do, I can't help but think of a story behind it." Lana smiled before taking a deep breath. "But yeah, that's out of the story. Let me start then...." Inilagay sa tabi ang hawak at inumpisang pasadahan ng kamay ang katawan nito...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook