Isang linggo ang matuling lumipas. Naging maayos naman ang lahat kay Miguel at Mayumi. Sa loob ng isang linggong iyon, ginawa ang lahat ni Miguel para makuha niyang muli ang loob ni Mayumi syempre pati na ang kanyang anak. Hindi na rin pati siya nagtrabaho pa, iyong sinabi niya na babalik sa pagtatrabaho hindi na lamang muna niya itinuloy dahil mas gusto niya na mag-focus muna sa kanyang pamilya. Naitawag na rin niya sa mga magulang ni Mayumi ang tungkol sa pagtungo niya sa lugar kung nasaan ito. Bilin pa ng mga magulang ni Mayumi na sana daw ay mapapayag niya ang anak ng mga ito na umuwi na sa kanilang lugar para naman daw makita ng mga ito ang apo. Kaya lang matigas pa rin talaga ang kalooban ni Mayumi hindi pa rin nadadala sa pakiusapan. Maging ang kanyang mga magulang ay sabik

