Malungkot ang mga matang nakatanaw si Mayumi sa labas ng sinasakyan niyang bus. Kanina habang kausap niya ang kanyang mga kapatid ay wala talaga siyang naisip kung saan siya pupuntang lugar. Hanggang sa maisip niya ang kanyang bestfriend na si Mimi. Alam niya na kahit papaano ko ay may pinagsamahan silang dalawa kaya hindi siya nagdalawang isip na humingi ng tulong dito. Ang totoo kasi ay palagi niya itong tinutulungan at marahil dahil sa awa sa kanya at utang na loob nito sa kanya ay pumayag ito na tulungan siya nito pagdating niya sa Pangasinan. At syempre may masama yatang balak kay Miguel. Noong una ay sinigawan pa siya nito dahil nga sa nagalit ito ng malaman na alam na ni Miguel ang tungkol sa pagsisinungaling nito. Pero ng sabihin niya na wala na itong dapat pang ipagselos sa k

