Ilang minuto ng wala sa harapan ni Conran si Marikit pero para pa rin siyang tulala na ewan. Para bang tumagos sa kasaluk-sulukan ang kanyang puso ang mga katagang binanggit nito Para bang wala itong emosyon habang binabanggit ang bawat pagsasalita na iyon kanina. Kung dati mataas na ang boses nito, at talagang nakikipagsigawan sa kanya. Ngayon, mahinahon ang pagaasalita nito iyon nga lang parang walang emosyon. Sobra siyang nahahabag habang pinagmamasdan ito dahil walang tigil sa pagpatak ang luha nito pero walang emosyon ang mga mata nito habang nakatuon sa kanya. Sa totoo lang hindi rin niya alam kung bakit niya nagawa iyon kay Marikit nadala siya ng sobrang galit at sobrang selos kanina. Pero hindi na lamang niya namalayan na gano'n na pala ang ginagawa niya sa babae. Sa unang p

