SAMANTALA Napailing na lamang si Conran, talaga yatang wala ng respeto sa kanya si Marikit dahil hindi man lamang nito sinabi kung saan talaga ito patutungo. Napahabol pa siya dito, tinanong niya kung saan ito pupunta at ihahatid na lamang niya. Pero hindi na siya nito pinansin. Day off kasi niya ng time na iyon, limot siguro ito kaya hindi nito naalala na day off niya. Wala si Miguel at wala ding si Marikit kaya naman ang kanyang isipan ay todo overthink na naman dahil iniisip niya na baka magdi-date ang dalawa sa labas. Parang may mabigat na bagay na naman ang dumadagan sa kanyang puso ng time na iyon. Isipin pa lang na magdi-date ang dalawa, para na siyang mapa-praning. Talagang magkahiwalay pa nga na umalis ang mga ito. Nanggaling si Miguel sa bahay nito at si si Marikit nama

