SA SIMBAHAN Kanina pa pinagpapawisan ng malalamig si Miguel habang hinihintay na magbukas ang entrance ng simbahan na iyon sa barangay nina Mayumi. Simula kasi kagabi ng matapos ang disperas ng kasal nila sa sayawan na iyon ng mga bisita ay hindi na muli niya nakita pa si Mayumi. Ang usapan hindi maaaring makita ng groom ang bride kinabukasan kaya siya ay nauna na sa simbahan kasama ng kanyang mga magulang at syempre ang kanyang mga kamag-anak at mga bisita. Ang nais pa nga ng matatanda ay 1 week daw before ng wedding dapat di niya makita si Mayumi, hindi talaga siya pumayag. Ang bride naman ay syempre mahuhuli iyon kasama ang mga magulang nito. Sa sobrang kaba nga niya ay para siyang natatae na ewan at ang buong katawan niya ay nanlalamig nais na agad niyang makita ang kanyang

