Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Marikit ng marinig ang mga katagang sinabi ni Miguel. Agad na sumagi sa kanyang isipan na hindi pwede, una dahil may asawa na siya kahit ba hindi pa magawang ipagsigawan ni Conran iyong kasal nila. At pangalawa, pamangkin ito ni Conran, doon pa lang maling-mali na. Siguro kung walang Conran sa buhay niya, siguro pwede pa niya itong pahintulutan dahil hindi naman mahirap mahalin si Miguel lalo na at napakabuti nito sa kanya,mabait, madiskarte at stable na din naman sa buhay, bunos na lang iyong kagwapuhan nito. Sobrang saya siguro niya at talagang magiging proud siya kasi may isang tao pala na mahal siya ng gano'n. Iyong tipong minamahal ka kahit walang kasiguraduhan at nakikita ka lang sa video at pictures. Sa totoo lang hindi niya akalain

