“Oo nandito na kami Mariposa, kumusta diyan? Sina Tatay kumusta? Sabihin mo sa kanila na nandito na kami, mga 1 week lang kami dito tapos babalik na rin kami diyan para mapaghandaan ang birthday ni bunso.” wika ni Mayumi sa kapatid na si Mariposa habang ka-video call niya. Matapos kasi nilang kumain ng meryenda ay minabuti niya na tawagan ang kapatid dahil siguradong nag-aalala na ang mga ito. At para kumustahin din ang tindahan, pati na ang kanilang mga magulang. Lalo na ang kanyang tatay na ayaw pa sana umalis sila dahil mami-miss daw nito ang apo nito pero naawa na kasi siyang masyado kay Aling Elma. Pansin kasi niya na nangangayayat na ang matanda at dahil nga iyon sa problema nito sa asawa . At alam niya na makakatulong dito kapag nakita nito ang kanyang anak na si Migumi. Maha

