Napakagat labi si Mayumi dahil sa kahilingan ng kanyang anak. At ang pasaway naman na Miguel ay tila ba tuwang-tuwa pa ito sa sinabi ng anak at excited pa nga dahil heto at nakatulis ang nguso ng pasaway na lalaki. “Bakit ayaw mo po Mama? Bakit po si Ate Stephanie, kinikiss po siya ni kuya Wilson sabi po ni Allen palagi daw nagki-kiss ang mama at papa niya. Bawal po ba kayong mag-kiss ni papa, mama?” tanong pa ng inosente niyang anak. “Aahh ano kasi baby si papa mo may sipon kaya ba….uhmmmppp…” Naputol ang kanyang sasabihin, hindi na niya iyon na ituloy dahil sinilyoluhan na ni Miguel ang kanyang labi gamit ang labi nito. Gulat na gulat talaga siya, nanlalaki pa nga ang kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaki na ngayon ay patuloy pa rin na humahalik sa kanyang labi. Maaari nam

