“Yeheyyyy yeah! Tigidig tigidig tigidig! Kunyari po papa ikaw po yung horse ko pwede po bang bilisan niyo po maglakad kasi po 'di ba yung horse mabilis po yun tumakbo?” Masaya ang boses na wika ng kanyang anak. Tuwang-tuwa ito habang naglalakad sila, nakasakay kasi ito sa kanyang batok at panay ang kaway nito kapag may nakakasalubong na kakilala Ang iba naman ay napapatingin sa kanya tila nais magtanong pero nahihiya lamang siguro kaya hindi na lamang nagtanong. Pero ang ipinupukol na tingin ng mga ito sa kanila ay tila ba nagtataka. “Ganito ba anak tatakbo ba si papa bibilisan ko pa ba o mabagal lang tayo?” masayang tanong din niya sa anak. "Opo Papa, ganyan nga po! Yeheeyyyy...." Masayang turan ng kanyang anak. Sinasakyan na lamang niya ang nais ng kanyang anak. Pero sa toto

