MAID TO BE YOURS: (BOOK 2)- Kabanata 40

1516 Words

Nang matapos ang vows at iba pang seremonya ay isinunod na ang pagsusuot ng wedding ring ng mga ikinakasal hanggang sa mag anunsyo na ng pari na kasal na silang dalawa ni Mayumi. Nagpalakpakan ng lahat dahil sa wakas kasal na silang dalawa ni Mayumi. Naghiyawan pa ang mga ito ng kabigin niya si Mayumi at halikan ito sa labi dahil sa inanunsyo na nga ng pari na maaari na niyang halikan ang kanyang bride. Umaapaw ang kaligayahan sa kanyang puso ng mga sandaling iyon lalo pa at yakap yakap niya ang kanyang asawa habang nananatili na magkahinang ang kanilang mga labi. Ninanamnam niya ang tamis ng labi ng kanyang asawa at para bang pakiramdam niya ay mas opisyal na pag-aari na niya ito kahit pa dati naman na silang kasal ni Mayumi sa huwes. Gano'n pala yung pakiramdam na kasal pa rin siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD