MAID TO BE YOURS: (BOOK 2)- Kabanata 31

1603 Words

Halos umusok ang ilong ni Miguel sa galit dahil sa tila ba napakasaya pa ni Mayumi habang nakikipaglaro sa kaduo nito. At talagang nagawa pa ng babae na magpaalam sa kanya. Hindi man lamang nito naisip na ayaw niya noon, na ayaw niya na magkaroon pa ito ng kaugnayan sa lalaking iyon. Hindi lamang siya makapagsalita dito dahil malapit ang kanyang mama baka mapagalitan pa siya nito. Pero gusto na niyang agawain ang phone dito at sabihin na wag na itong maglaro. At kung pwede lang, kahit kailan ay ayaw na niya itong paglaroin pa ng ML. Kaya lang alam naman niya na ito ang isa sa pinaka-libangan ni Mayumi. Bago pa siya dumating sa buhay nito ay iyon na ang nagpapasaya dito. Kaya sa totoo lang wala naman siyang karapatan na pagbawalan ito. Pero okay lang naman maglaro, pero dapat solo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD