"T-Tayo na Mariposa, Maharlika, kain muna tayo sa Jollibee." nakangiting aya niya sa kanyang mga kapatid. Pinilit niya na pakalmahin ang sarili kahit na ang pagtalikod niya kanina ay talagang hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ang ginawa kasi niya ay saglit siya nagpahinga sa isang upuan na kanyang nadaanan. Pinakalma niya ang kanyang sarili at ngayon ay nakangiti na siyang kaharap ang mga kapatid. Pero hindi pa rin talaga maiwasan na hindi pumiyok ang kanyang boses. Animo kasi may libo-libong karayom ang ngayon ay paulit-ulit na tumutusok sa kanyang puso. "Ate Mayumi okay ka lang ba, bakit para yatang umiyak ka? May naging problema ba nung nagtungo ka sa cr?" nag-aalala akong tanong ni Mariposa sa kanya. "Wala ah okay lang ako, naghilamos lang ako ng mukha kaya parang basa. Tayo

