"Miss beautiful pabili nga ako. Pwede ba iyong magandang tindera na lang?" Simpatikong wika ng pasaway na si Aaron. Nailing na lamang si Mayumi dahil nandito na naman sa harap ng tindahan niya ang makulit na lalaki. Parang kailan lang nangangapa pa siya sa pagtitinda sa mga presyo ng paninda at kung saan mamimili pero tinulungan siya ni Aling Elma at si Manong Elmer naman ang sumama sa kanya sa mga grocery store na dati nitong pinamimilhan ng mga paninda. Kaya naman heto at kay bilis ng panahon mahigit isang linggo na ang nakararaan simula ng dumating siya sa lugar na ito at ngayon ay isang linggo na rin ang kanyang tindahan. Noong una ay natatakot pa siya na baka nga walang bumili sa kanya at baka walang tumangkilik lalo pa at nangungupahan lamang siya doon. At isang bagong salta

