“Nay! N-Naku pasensya na po, nasa itaas po ako nagpapatulong si Sir sa pagbuhat niyong kabinet niya sa room niya. K-Kanina pa po ba kayo?” kandautal na tanong niya sa ina. “Kanina pa nga ako dito anak, tsaka bakit naman hindi mo narinig ang sigaw ko eh kahoy lang naman ang pagitan ng taas at dito sa baba?” kunot noong tanong ng kanyang Nanay. “H-Ha? Ay a-ano po kasi Nanay busy po kami sa taas eh, h-hindi nyo po ba narinig iyong ingay ng s-sahig? Sa paghila po kasi iyon ng k-kabinet, sorry po kung hindi ko kaagad narinig.” paliwanag pa niya sa ina. Sana lang makalusot talaga, kung hindi paktay siya. Siguradong masasaktan siya nito, pero kakausapin naman ito ng kanyang Sir iyon nga lang hindi niya alam kung ano nga ba ang plano nito. Kung ipagtatapat ba nito na may nangyari sa kanila

