Natigil sila sa pag-uusap ng may kumatok sa pintuan. Pagbukas ng pintuan ay iniluwa ang dalawang nurse dala ang kanilang mga anak siguro nakita na ng mga ito na gising na ang kanyang asawa. "Ang mga anak ko," maluha luhang wika ni Marikit habang nakatingin sa dalawang nurse na karga-karga ang kanilang mga anak. Kinarga niya ang isa at ang isa ay ibinigay kay Marikit para padedehin. "Grabe ang gwapo gwapo naman ng mga kambal natin Kamukhang kamukha ko asawa ko. Di ba nurse, kamukhang kamukha ko. Tingnan mo yung kilay, yung labi tapos yung ilong lahat sa akin hindi ba?" Excited pa na tanong niya sa nurse. Natatawa naman na tumango ang nurse sa kanya bilang pagsang ayon. "Ay sige na lahat mo na kamukha parang ikaw lang lahat ang gumawa ah, lahat talaga kamukha mo!" kunwari ay naiinis n

