Agad na nag bless si Conran sa mga magulang ni Marikit pati na sa kanyang lolo at lola. Tila napakabait nito at binuhat pa nito ang mga dala-dala ng kanyang magulang papasok sa loob ng bahay. "Oh anak, ano yan? Bakit may maleta ka?" tanong ng kanyang mama. Hindi agad siya nakasagot at bahagya na lamang na tumingala dahil hindi niya napigilan na mag unahan sa pagtulo ang luha niya mula sa kanyang mga mata. Agad namang lumapit ang kanyang mama sa kanya. "Anak, may problema ba kayo ni Conran?" masuyong tanong sa kanya ng ina, ang kanyang Papa naman ay lumapit din sa kanya at marahang hinagod hagod ang kaniyang likod. "Ayoko na po dito Pa, Ma. Gusto ko na pong umuwi sa'tin. Sige na po sasama na po ako sa inyo," umiiyak na pakiusap niya sa mga magulang. "Bakit, ano ba ang problema? Ma

