“I love you asawa ko…” marahan turan ni Miguel kay Mayumi habang panaka-naka ang paghalik nito sa sexy na balikat ng asawa. Bumaling naman si Mayumi dito, minabuti niya na humarap dito habang nakahiga. Nais niyang makita ang gwapong mukha ng kanyang asawa at mapagmasdan ito. “I love you too… Magsama na tayo ulit dito sa bahay hubby.” nakangiting payahag niya sa asawa. Bigla namang napabangon si MIguel at tila hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. “W-Wifey, sigurado ka ba sa sinasabi mo?” bulalas nito na hindi nga talaga makapaniwala sa sinasabi niya. Kahit siya nga rin ay hindi makapaniwala, sa totoo lang kaninang nagtungo sila dito sa bahay ay wala sa plano ang lahat. Basta ba naramdaman na lamang niya sa kanyang sarili na gustong-gusto na niya itong makasama ng tuluyan.

