Kabanata 100 Matapos nilang magtungo sa simbahan, Kasama ang kanilang mga kamag-anak pati na ang mga ninong at ninang ay minabuti nila na bumalik na agad sa kanilang bahay. Isang oras din kasi ang mesa pati na ang pagbibinyag kaya batid niya na nagugutom na rin ang kanilang mga bisita. Inanyayahan nga rin sana nila ang pari pero tumanggi ito dahil may patutunguhan pa daw may ibang simbahan para ito ay magmesa. Kaya naman ang makarating na sila sa kanilang bahay kung saan magdadausan ng binyag ng kanilang anak ay nag-anunsyo siya agad na maaari ng kumain ang lahat. Napakaraming mga bisita lalo na ang mga kabataan na nagkakasiyahan sa mga pambatang laruan na kanilang pinamigay na souvenir para sa mga ito . Samantalang noon ang kanyang anak na panganay na si Migumi ay simpleng pagkai

