Ilang sandali pa ay oras na para sa exchange vows ng ikinakasal. "Ako ba talaga ang mauuna hindi ako ready. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin." Bulong ni Conran sa kanya. "Hindi ko nga rin alam eh, hindi ako naghanda para dito kasi akala ko si Miguel ang groom kaya wala akong nahanda pero okay na'yan kahit ano lang sabihin mo." ganting bulong din naman nito sa kanya. "Sige na naghihintay na ang mga tao." bulong ulit nito sa kanya. "Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa Poong Maykapal dahil binigyan niya pa ako ng natitirang mga araw para saksihan ang kasalang ito na magiging kasal ko pala. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil ang babaeng kaharap ko ngayon ang ibinigay niya bilang aking kabiyak. Ang babaeng akala ko ay tuluyan ng mawawala sa akin dahil sa ipaubaya ko na nga siy

