"Ano ka ba Miguel! Bitawan mo nga ako, may sakit si Conran kailangan niya ako! Kaya bakit tayo umalis?! Bakit hindi ako pwedeng magpakita sa kanya? Please lang ang b-bitawan mo na ako! Gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang kumustahin. Bakit gano'n,anong nangyari sa kanya? Gusto kong alamin kung anong nangyari sa kanya. Bakit gano'n parang sobrang bilis naman ng pagpayat niya." Pakiusap niya kay Miguel na noon ay patuloy lamang sa paglalakad. Wala itong pakialam kung kahit na makaladkad na siya nito, basta hawak-hawak lamang nito ang braso niya at mahigpit iyon kaya ramdam niya iyong sakit at tila ba ayaw nito na mapalapit siya kahit Conran. Kaya pala gano'n iyong pakiramdam niya kanina habang nakatingin siya sa lalaking nakaupo na iyon sa may malapit sa batuhan. Kaya pala may kung

