“ETO naman!” sa muli ay natatawa kong hinampas ang braso niya pagkatapos ay kumuyapit sa kanya nang masyadong naglalambing. “Rick, nagpapaturo lang ng direksyon yung tao kasi nawawala siya at nawalay sa mga kasamahan niya. Wala naman siyang masamang ginagawa eh. ‘Di naman niya ako hinaharas saka ‘di din naman siya nagpapa-cute. Besides, magpa-cute man siya, alam mong sa puso ko walang makakapantay sa pagiging cute mo!” And then I pinched his nose. Nagpigil lang siyang mapangiti at mapatawa pero tiningnan na niya ako at kumikislap ang kanyang mga mata. “Talaga?” “Oo nap o! Ang cute mo!” And I pinched his cheek, mas madiin sa pagkakataong ‘to. At hindi rin naman nagpahuli ang loko, kinurot din niya ng mariin at nanggigigil ang pisngi ko. “Mas cute ka!” “Aray ko naman!” halos mainis na ak

