NANG umakyat ulit ako sa taas, binuksan ko ang mga aparador at cabinet. Wala na ang mga damit ni Lena. Madali kong tinawagan si Bambi. “Hi, Rick, napatawag ka?” “Bambs, alam mo ba kung nasaan si Lena ngayon?” “Ha? Nandiyan siya sa inyo, ‘diba?” “Wala ba kayong napag-usapan na out of town or any trip as grad. celeb.? Kayo ng mga classmates o batchmates ninyo?” “Wala, saka kung meron man siyampre, well-informed ako do’n. Hindi naman sasama si Lena kung hindi ako kasama. Alam mo naman kami nu’n, sangganong dikit kaming dalawa.” Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration. Kabang-kaba na ako sa nangyayari. “Yung mga gamit niya at mga damit dito sa kwarto niya, wala na, Bambs. Hindi ko rin siya mahanap kahit na saang bahagi ng bahay.” “Ano?!” maging si Bambi din mula sa kabilang li

