“SO, that means sigurado ka talaga sa pananaw mong ‘yan? That a person is impossible to fall in love with another if he or she is a stranger?” patuloy pa rin ni Bambi. Tumango si Rick, mukhang walang planong baguhin ang opinyon. “Oo. Kagaguhan at kalibugan lang ang gano’n. Baka matagal nang hindi nakakatikim kaya naghahanap kahit pa sa hindi kakilala.” Sa muli ay tumawa ng pagkalakas-lakas si Bambi. “Uy, grabe ka na talaga!” Hindi ako umimik o nakitawa sa kanila. Sa totoo lang ay naiinis ako kay Rick at sa kanyang pananaw. Ang babaw naman niya masyado para mag-isip ng ganyan! Na libog lang ang dahilan kaya nasasabi ng tao na nai-in love ito sa total stranger. Well, as usual, ano pa bang bago? Ang babaw na rin naman talaga ni Rick kahit na dati pa. Naiinis nga ako sa kanya eh! “And that

