GUSTO ko kapag sinagot ko, talagang dahil gusto ko nang magkajowa at ‘yon ang ninanais at tinitibok ng puso ko. Hindi naman sa sinasabi kong hindi tinitibok ng puso ko si Rick, pero basta. Ang hirap ipaliwanag eh! Sasagutin ko siya when I feel like doing so, and that’s it. Many unexpected turn of events pa na mga nangyari along the way of my living in Rick’s flat. Isang gabi, habang kumakain kami ni Rick ay biglang may dumating na sosyal na soyal na ginang. “Rick? Rikardo, where are you?” “Mommy?” nasambit ni Rick nang marinig ang boses, malamang kilala niya boses ng sariling ina na ngayon ay kumakatok sa kanyang pinto. Nag-aalalang tiningnan ko si Rick. “Mommy mo?” He nodded. “Anong gagawin ko? Magtatago na ba ako sa taas?” “Damn no! I- I mean, hindi mo kailangang gawin ‘yon, Lena.

