“OO nga po eh,” natutuwa ko ring sagot saka tumango kay Sasha. “Sige, good luck and God bless, Lena. Dasal kong sana maabot mo ang mga pangarap mo, saka kung saka-sakaling maisipan mong bumalik dito sa Dunmore, huwag kang magdadalawang-isip, okay? Welcome na welcome ka pa rin dito.” I felt really glad and thankful. “Salamat talaga sa lahat-lahat, Maam Sasha.” I hugged her. Napakalaki ng tulong niya sa akin. Pagkatapos no’n, hindi ko inaasahang unti-unti palang hindi ko mamamalayang magbabago ang lahat dahil sa sobrang abala ko sa pag-aaral. Na ang suportado kong boyfriend ay unti-unting mawawalan ng pasensya sa akin at sa aking mga ginagawa, sa aking pinagkakaabalahan. “Upo ka na, love,” aniya sa akin isang gabi nang umuwi ako galing sa school. Nangingiting nagpatianod ako saka hinay

