“SABIHIN mo ang totoo, nabili mong tag-one hundred pesos ‘yang outfit mo sa ukay-ukay, right? And your shoes, as well? And those jewelries, magkano? Ten pesos ang isa sa may fake na Chinese merchandise? Oh, so cheap talaga! Hahaha!” Tumawa siya ng pagkalakas-lakas sa pang-iinsulto at tumingin sa mga nanunuod sa amin, sa lahat, nanghihikayat na tumawa din katulad niya pero ‘ni isa ay walang nakitawa sa inaasal niya. “Vernice hija, what are you talking about? Why are you talking this way to Lena? You don’t have to be so rude, hija,” bagaman ay mahinahon ngunit tila pati ang mommy ni Rick ay nagugulantang sa ipinakikitang ugali ngayon ng kababata ng kanyang anak. “I’m not being rude, tita,” nakangiti at malambing na sagot ni Vernice sa ginang. “I’m just telling the truth. Just so you know,

