bc

The Mistress

book_age18+
15.8K
FOLLOW
125.9K
READ
drama
tragedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

"Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo dahil pinakasalan ko ang lalaking matagal kong pinangarap na makasama hanggang sa pagtanda. Pero sa isang malagim na aksidente lang mawawasak ang pangarap ko" - Hannah Santiago

"Sinaktan ko si Hannah. Nalaman niya na magpapakasal ako sa babaeng nabuntis ko. Namatay siya ng araw ng engagement. Pano ako makakabawi sa kanya gayung patay na siya.. nakilala ko si Xena kamukha ng asawa kong si Hannah. Magugulo ang buong sistema ko sa pagdating ni Xena sa Buhay ko." - Alvin Delos Santos

"Mahal ko si Alvin at kahit na may pamilya na siya. Hindi ako titigil hangga't hindi siya napapasaakin. I'm proud to say that i'm THE MISTRESS" - Xena Kim

chap-preview
Free preview
PROLOGUE

HANNAH POV

Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Sigurado akong hindi si Alvin ang nasa Engagement Party Invitation na nakasulat sa hawak kong ito.  Pinakalma ko ang sarili.

Gusto kong mamangha sa dinaraanan ko. Magaganda ang mga sari-saring bulaklak na nandito sa hardin. Hindi ko ma-apriciate gayung may problema akong kailangan solusyonan.

Nagpakawala muna ako ng buntong hininga. Bago ko buksan ang front Door. Malakas na music sa loob ang sumalubong sa akin at mga boses ng mga dumalo sa party.

Pagkabukas ko saktong pagbaba ng dalawang taong ikakasal. Nanikip ang dibdib ko at hindi maigalaw ang paa paalis. Pinilig ko ang ulo habang nakatanaw sa dalawa habang may ngiti sa labi. Si Alvin at Pauline pinakilala sa mga dumalo bilang mga bagong ikakasal sa taong ito.

Nasasaktan ako sa nangyayare.

Nagsimula na silang kausapin ang mga bisita. Masaya ang dalawa habang ako nandito lang sa dulo at malayo sa kanila. Mula dito natatanaw ko si alvin na masaya kasama si pauline. Nagsimula na akong maiyak.

Pano mo nagawa sakin to alvin?

Nagpaalam si pauline kay alvin at umalis sa tabi niya. Eto na ang chance para makausap ang asawa ko.

Pinahid ko muna ang luha at pinakalma ang sarili bago siya harapin. Dali-dali akong nagpunta sa grupo ng mga kalalakihan na kasama niya at kinalabit ko si Alvin. Gulat na napatingin siya sakin at hinila ako palabas ng mansyon. Lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sakin 'di tulad dati na sinisigurado n'yang hindi ako masasaktan. Dinala niya ako sa hardin na malayo sa mga bisita at walang makakakita saming dalawa.

"Alvin..." Sambit ko sa pangalan ng asawa ko.

"What are you doing here?" May halong inis na sabi niya.

"May nag-imbita sakin. Asawa ko uwi na tayo. Hindi naman ikaw ang ikakasal 'di ba? Kasi kasal tayo kaya imposibleng ikaw iyon." pilit na ngiti, pagkatapos kong sabihin iyon. Pinigilan kong bumuhos ulit ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"I can't, sige na umuwi ka na." Sunod sunod akong umiling. Hindi ako papayag. kailangan kasama ko siyang aalis dito.

"Uuwi lang ako kung sasama ka sakin sa pag-uwi. Sige na please alvin pagod na ako. Namimiss na kita" Niyakap ko siya pero marahas niya akong inilayo sa kanya. Ang sakit..

"Alvin.. ano bang nangyayare sayo? Ang tagal kitang hinintay pero gaganituhin mo lang ako?" Tuluyan ng naglandas ang luha sa pisngi ko. Habang tinitignan ko siya wala akong makita na kahit anong emosyon sa kanyang mga mata.

"Umuwi ka na hannah.."

"Alvin naman hindi naman para sayo ang engagement party na to kaya pwede na tayong umuwi kahit anong oras nating gustuhin. Sige na please asawa ko uwi na tayo" Pakiusap ko sa kaniya.

"Sinong uuwi?.." sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Pauline. Nang makalapit siya samin agad n'yang inilingkis ang braso kay Alvin. At hinalikan sa labi ang asawa ko. Nakatanga lang ako sa kanila.

"Hindi sasama sayo ang fiancé ko" Mataray na sabi ni Pauline. Peke akong natawa.

"Fiancé? Asawa ko yang inaangkin mo" Umarko pataas ang isang kilay niya.

"Ikakasal na kami ni alvin kaya kung ako sayo layuan mo na siya dahil magkakapamilya na kami. AKO lang ang babaeng nararapat kay alvin" Sagot ni Pauline.

"Hindi! hindi totoo 'yan. Ako ang mas may karapatan kay alvin dahil ako ang legal na asawa" Hinila ko palayo sa kanya si alvin pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya. Gulat na napatingin ako kay alvin. 

Bakit alvin? Bakit bigla kang nagbago? Nakita kong ngumisi si Pauline sa akin. Nagsimula na namang lumuha ang mata ko. Hindi na ako nakapagpigil pa at agad na sinugod si Pauline. Mang-aagaw siya.

"Mga hayop kayo!" Sinabunutan ko siya. kahit anong pilit n'yang tanggalin ang kamay kong nakahawak sa buhok niya  hindi niya magawang matanggal.

Naramdaman ko ang paghawak sakin ni alvin sa bewang at pilit na inilalayo kay pauline. Tinulak ko ng malakas si Pauline kaya napahiga siya sa damuhan at sinimulang sampalin ng tuluyan ng mailayo ako ni alvin kay pauline.

Naibagsak ako ni alvin sa damuhan. nakaramdam ako ng pagmanhid ng pisngi ko. Puno ng luha ang mukha ng tingalain ko si alvin na nanlilisik ang matang nakatunghay sakin. Nasampal niya ako.

"Alvin.." Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan ng taong hindi ko akailan na magagawa akong saktan.

"Wag mo s'yang sasaktan. kapag may mangyareng masama sa baby namin papatayin kita." Nang marinig ko 'yun mula sa kanya napahagulgol ako ng iyak at hindi ko magawang makahinga ng maayos. Ang sakit- sakit. Gusto ko ng mamatay sa mga oras na to. Ngayun ko lang naranasan ang pananakit sakin ng asawa ko. Tumayo ako at hinarap sila. hindi na ako nag-abal pang punasan ang luha ko.

Nakita kong inaalo niya si Pauline at tinatanong kung okay lang ba siya. Nasasaktan ako dahil ako dapat 'yun. Ako dapat ang inaalo ng asawa ko at pinapatahan dahil ayaw n'yang nakikitang umiiyak ako o nasasaktan. Iba na siya. Hindi na siya ang lalaking minahal ko.

Naglakad ako at humarap kay alvin. Nasampal ko siya ng hindi ako nakuntento ilang beses ko pa s'yang pinagsasampal ng matahuan si Alvin sa mga pinag gagawa niya. Hindi ako magawang pigilan ni Alvin sa ginagawa ko sa kanya.

"Minahal kita pero nagawa mo sakin to! Akala ko, ako lang ang mahal mo? Bakit Alvin, Ano bang nagawa ko at ginagawa mo sakin ito? Bakit mo ako nagawang saktan? Ginawa ko ang lahat para matanggap ng pamilya mo. Ginawa ko ang lahat para ako lang ang mahalin mo. Ginawa ko ang lahat alvin.. lahat-lahat para ako lang ang nag-iisa sa puso mo. Ngayun sasabihin mo saking magkakaanak ka? Pano ako? Pano tayo?"

Kahit anong pilit kong ipahid ang luha wala pa ring silbi dahil ayaw tumigil sa pagluha ang mga mata ko. Hindi siya nagsalita pa. Walang lingon likod na tumakbo ako palabas ng mansyon nila Alvin. Ayoko ng bumalik doon. Ayoko ng maalala kung paano siya mag-alala ng lubos kay Pauline gayung ako ang asawa niya.

Ang dami kong nalaman sa araw na to. Una ang engagement ng lalaking mahal ko. Ang pananakit niya sa akin na kahit kailan hindi niya ginawa. Mayroon s'yang kabit habang wala siya sa tabi ko At ang huli magkakaanak siya sa ibang babae na s'yang papakasalan niya. Sa pagtakbo ko hindi ko napansin na nasa gitna na ako ng daan patawid ng may ilaw na nang gagaling sa kotse.

Nasisilaw ako sa liwanag hindi ko maihakbang ang paa para umalis ng hindi ako masagasaan pero huli na. Naramdaman ko na lang ang pagkahilo. Nang makapa ko ang ulo may dugo sa palad ko. Ang talukap ng mata ko ay unting unting sumasara.

'I love you alvin'  Ang huling nasabi ko hanggang tangayin ako ng kadiliman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
581.9K
bc

Secretly Married To The Campus King (Filipino)

read
249.8K
bc

The Unwanted Wife

read
231.4K
bc

Being His Wife

read
271.2K
bc

The Billionaire's Part-Timer [R-18]

read
334.9K
bc

The Substitute Wife

read
89.5K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
423.2K
dreame logo

Download Dreame APP

download_iosApp Store
google icon
Google Play