bc

Eos Aitana: Entice Me

book_age16+
718
FOLLOW
2.6K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
kickass heroine
mxb
humorous
lighthearted
office/work place
secrets
sassy
like
intro-logo
Blurb

[FILIPINO] Walang ibang gusto si Yumi kung hindi ang lumagay sa tahimik. Nasa maayos ang kanyang pamilya, napag-aral na niya ang kanyang mga kapatid, at konti na lang ay mababayaran na niya ng buo ang pagkaka-utang ng lolo nila na sa kanila pa naipasa. Sapat na rin ang ilang beses siyang nagpakatanga at nasaktan sa taong hindi karapat-dapat sa pagmamahal niya. Oras na talaga para naman piliin ang kanyang sarili.

Biro pa nga niya, makakilala lang siya ng gwapong lalaking kaya siyang samahan sa pagtanda ay ayos na sa kanya—ngunit sinong mag-aakala na mabibigyan agad ng katuparan ang biro niyang iyon sa isang imbitasyon na natanggap niya?

“Once you enter, there's no turning back. Welcome to Mistress Peitho’s Crib—where your sins never end.”

chap-preview
Free preview
Prologue
Maingat na inayos ni Yumi ang kanyang suot na long gown para sa gabing ito. Sa katunayan ay sanay naman na siya sa mga ganitong klaseng event; ngunit ang hindi lang siya talaga sanay ay ang katotohanan na isa siya sa mga dadalo at hindi basta kabilang sa mga staff para sa ngayong gabi. She really is one of the special guests which means that she will get to walk on that red carpet and, for once, will have the spotlight on her. Kahit kailan ay hindi niya pa nasubukan na mag-ayos ng ganito at kahit na nga ba hindi pamilyar sa kanya ang makita ng ganito kaganda at ka-ayos ang sarili, hindi naman niya ikaka-ilang gusto niya ang nakikita niya sa repleksyon niya. This long gown that she is wearing, paired with her killer stilettos, made her incredibly sexy and tall for that matter. Hindi kasi siya payat at hindi naman sobrang taba. Curvy kung ipaliwanag niya ang sarili at ang suot niya ngayon ay sapat na sapat upang ipakita ang tinatagong hubog ng kanyang katawan. She honestly feels incredibly confident of herself. Kinakabahan ba siya? Sobra pa rin. Ang huling kaba pang maihahalintulad niya sa nararamdaman niya ngayon ay ang kaba niya noong nag-apply siya ng trabaho sa kasalukuyan kompanya niya ngayon. But this was a good kind of nervousness. Ang kabang ito ay ang patunay niyang totoo ang lahat at hindi lang siya basta nananaginip. “Miss Yumi?” Tawag at mga katok na iyon mula pinto nitong dressing room. Tama iyon. Wala siya sa sarili niyang cabin at nandito siya sa isang eksklusibong hotel suite nang tanggapin niya ang tulong mula kay Lady Maria. Tulong iyong na maayusan siya sa gabing ito. Tonight is going to be the crib’s third anniversary. Hindi niya alam ang tungkol dito at talagang nasakto lamang na nandito siya. Dahil nga wala naman siyang naihandang kahit ano para sa event, hindi na siya nag-atubiling tinanggap ang lahat ng tulong na pwede niyang makuha. Isang hingang malalim ang ginawa niya bago binuksan ang pinto. Iniluwa nito ang dalagang kanina ring nagdala ng kanyang gown. Ngumiti ito at tumango-tango na aprubado sa nakita. “You look stunning, Miss Yumi! Is there anything else you need? I have to make sure to tend to your needs before you leave; and speaking of leave, Sir Eos is already waiting for you outside.” Iyon na nga ang lalong nagpakaba sa puso niya. Kung posible lang na masira ang ribs niya sa pagwawala ng puso niya, nagde-delikado na siya. Kinikilig ba siya? Siguro, hindi niya talaga alam. Hindi pa naman niya nararanasan ang ganitong klaseng kaba pagdating sa isang lalaki. Sinabi niyang kailangan niya lang ng ilan pang sandali at lalabas na rin niya. Saan ka pa ba kinakabahan, Mayumi Gabriella? Tanong niya sa kanyang sarili. Para namang hindi mo pa nakaka-momol iyong date mo! Kung pwede lang siyang batukan ang sarili ay baka ginawa na niya! Hindi ito ang oras para maging maharot siya ng sobra! Nakakaloka! “You can do this, self, hindi ka si Yumi Garcia kung susukuan mo ‘to!” Huling sipat pa sa sarili sa salamin ay tuluyan na siyang umalis. There is no turning back whether she is nervous or not! ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Magandang lalaki si Eos at matagal na iyong alam ni Mayumi. Mula sa pagiging matangkad nito hanggang sa pinakamaliit na detalye gaya ng nunal nito malapit sa kaliwang ibabang labi—simula pa lamang ng makapasok siya sa kompanya nito ay alam na alam na niya kung anong meron ang binata na nagiging dahilan para mabaliw ang kababaihan sa kanya. The best description she can give is that he is a man written by and for women. Mula sa kagwapuhan nito hanggang sa natural nitong karisma sa lahat ng bagay, talagang dinaig pa nito ang isang karakter sa isang nobelang isinulat ng kababaihan na para rin sa kababaihan. The best part of it is that Eos seems to know all about it, yet he never puts his head on it. Sa madaling salita, alam nitong gwapo ito pero ano naman ngayon? Maging ang nakatatandang kapatid ni Eos na si Selene ay dinaig pa ang sarili nilang mga modelo sa kompanya. Ang magkapatid na Aitana ang dalawa nilang CEO pero kaabang-abang ang lahat ng issues ng mga magazines kung saan mafi-feature ang dalawa. Nothing has changed though, the two were never boastful for their looks and were never rude to their employees which made them ten times more attractive. Inisip ba niyang kahit kailan ay makakasalamuha niya ang dalawa? Kahit sa panaginip nga ay hindi na niya yata tinangkang gawin iyon. Gaya ng sinabi niya, hindi naman masungit ang dalawa at hindi rin malayo sa mga empleyado nila; pero ano lang ba siya? Isa lang siya sa kulang daang managers para sa mga talents sa buong kompanya ng mga ito at malayo pa sa malayo ang magkaroon siya ng pagkakataon para kahit man lang lingunin siya ng mga ito. Iyon ang mahabang-mahabang dahilan kung bakit kailangan niyang ulit-ulitin sa sarili niyang hindi niya siya nananaginip. Totoo ang lahat ng nangyayari ngayon at totoong walang iba kung hindi si Eos Valentino Aitana ang naghihintay sa kanya para maging date niya sa gabing ito. Ayaw man niya ay mapusok pa ring ipinaalala sa kanya ng isip niya kung ano-ano na ang mga nagawa niya kasama ang binata. Oh, those sinful hands he has and those heavenly lips… hindi naman marami ang karanasan niya sa pakikipag-momol pero basta sigurado na siyang isa ang binata sa pinakamagaling humalik. That sends thousands of tiny warm feelings in her tummy. Ang harot-harot mo, Yumi! Sinuway na niya sa kanyang sarili pero sino ba ang niloko niya? Binigyan yata siya ng sumpa ng binata na tuwing nakikita niya ito ay ang mga namagitan sa kanila ang maaalala niya. Wearing his signature three-piece suit, she took her time basking herself with the view of him. May kausap lang ito kaya siguro hindi pa siya napapansin nito magmula kanina; pero nang sa wakas ay lumingon na ito sa direksiyon niya… Eos’ damn smile alone is enough to make her knees weak. Napaka-gwapo talaga nito. He chuckles as if hearing everything that has been running in her mind. “There you are, sweetheart.” - Eos Aitana Entice Me Michin, September 2021 Official Start - January 2022

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook