Alas-otso na ng umaga ngunit hindi pa rin nagigising si Tiffanie, marahil ay napagod sa ginawa namin kagabi na graham cake. Tinuruan ko kasi siyang gumawa kagabi. Marahan kong hinahaplos ang buhok ni Tiffanie. Habang dumadaan ang mga araw na kasama ko si Tiffanie ay mas lalo ko siyang minamahal. Hindi niya lang alam kung gaano ako kasaya sa tuwing nagseselos siya kay Selena. Pakiramdam ko ako na ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo. "Mathew…" nakatitig siya sa'kin Tipid akong ngumiti. "Good morning, my beautiful wife," "Good morning, my hot husband." Dahan-dahan akong yumuko at pagkatapos ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Sweet kiss for my wife." "Hindi pa ako nagtotoothbrush," sabi niya. Bahagya kong inangat ang mukha ko. "Walang problema hahalikan pa rin kita," muli ko sana s