"Mathew, wake up you have a visitor," niyugyog pa ni Tiffanie ang balikat ko para magising ako. Umunat-unat ako at muling ipinikit ang katawan ko. "Mathew, gumising ka na diyan," muli niya akong niyugyog para magising. Hiwakan ko ang bewang niya at pagkatapos ay hinila ko siya palapit sa'kin pagkatapos ay gumulong kami sa kama upang magbaliktad ang posisyon naming dalawa. Tinitigan ko siya. 'Good morning, my Wife." Pagkatapos ay hinalikan ko ang leeg niya habang ang kamay ko ay nakahawak sa umbok niyang dibdib. "Mathew, stop, Lester is here," ani Tiffanie habang pinipigilan niya ako sa ginagawa ko sa kanya. Huminto ako. "Ano'ng kailangan kaya ni Lester?" Marahan akong itinulak ni Tiffanie para makatayo siya. Ako naman ay bumangon at kinuha ang towel pagkatapos ay pumunta sa banyo.