Mukha ni Mathew ang nabungaran ko nang magising ako. Nakangiti siya sa'kin habang lumuluha. "Ang anak natin?" Hinalik-halikan niya ang kamay ko at pagkatapos humugulgol siya ng iyak. Tumulo ang luha ko. Hindi pala panaginip ang lahat totoong patay na ang Baby namin. Umiyak ako ng malakas. "A-Ang Baby natin. Ang Baby natin Mathew!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mathew. Habang pareho kaming umiiyak dalawa. Sobrang sakit ang katotohanan na wala na ang Baby na pagkatapos naming ingatan habang nasa sinapupunan ko. Mawawala lang siya. "Dito ka na lang muna ako ang bahala sa Baby natin." sabi ni Mathew. Umiling ako. "Gusto kong makita ang anak natin kahit man lang sa pagkakataong ito maramdaman kong Nanay ako." "Pero mahina pa ang katawan mo," Umiling ako. "Pakiusap 'wag mo'ng ipagkait s