"Good morning," sabay halik sa'kin ni Mathew sa labi. Umunat ako at pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. "Good morning," sabi ko. Hindi pa rin kami umuuwi ni Mathew sa mansyon namin. Kahit hindi masyadong kalakihan ang bahay namin kumpara sa mansyon namin ni Mathew. Panatag naman ang loob ko rito. Palagi ko rin kasing nakakasama si Daddy at nakaka-usap ang mga dati naming katulong. Hindi ako naiinip kapag wala si Mathew dahil palagi akong may kausap. Palagi rin akong pinagluluto ni Yaya Flor ng paborito kong pagkain. Umupo siya sa gilid ng kama at tumingin sa'kin. "Bumangon ka na pupunta tayo sa mansyon," sabi niya. Umarko ang kilay ko. "Bakit?" "Gusto kong makita mo ang magiging kuwarto ng baby boy natin," sabi niya. Lahat kasi ng binili naming gamit para sa Baby namin ay naroon s