Crossroads AiTenshi Part 12 Alas 9 ng umaga noong mag simula pag pupulong sa loob ng AVR room ng sigma na nilahukan ng 211 na kasapi sa iba't ibang lugar. Ang bawat miyembro ng sigma ay may mga benepisyong natatanggap sa katapusan ng buwan at sa tuwing magiging successful ang assignment ng kanilang team. Dito sa gusali ay nakatira lamang ang rank 1 to 20 na miyembro at ang iba ay nag sstay na sa mga apartment at pabahay ng sigma sa ibang lugar. Makikita mo yung pagiging maangas ng mga nasa 20 dahil sa kilos ng mga ito kaya kadalasan ay nilalagay ko sila sa pinaka dulo upang maiwasan ang diskrimanasyon. Lumakad ako sa harapan ng lahat na iika ika at halos hirap kumilos. Ang iba ay nag tataka, wala silang ideya kung bakit ako bugbog sarado. Ang iba naman ay nakatahimik lang marahil na na