"Rashee! Si Rasheeeee!" pagwawala ni Isel. Hawak na siya ng dalawang nurse na lalaki. Grabe na kasi ang pagwawala niya gawa nang napanood niyang news sa TV na patay na raw si Mr. Hired Killer. Naalala niya na natamaan si Rashee nang barilin ito ng kalaban. Hindi pwede! "Isel , kumalma ka lang please?! Ang sugat mo!" Napapatili na sumamo sa kanya ni Shy. "Bitawan niyo ako! Hindi totoo! Hindi totoo na wala na si Rashee! Hindiiiiiiiii!" pagpupumiglas pa rin ni Isel. Hindi niya alintana ang pagdudugo ng sugat niya sa likod ng balikat niya. "Jusko!" Walang magawa si Shy kundi ang mapaurong. Umiiyak na rin ang dalagang mataba. Awang-awa ito kay Isel at alalang-alala. Pasalamat nito nang dumating na ang doctor at tinurukan ng pampatulog si Isel. "Isel?!" Tulog na ulit si Isel nang humahango