NAKAUPO na silang lahat sa couch na nasa living room. Buhat na ni Cedric ang anak na si Xanth. Nakaupo naman si Cadmus katabi ang kambal na anak. Habang si Kristen ay katabi ng asawang si Callum at nakayapos pa ang isang braso nito sa baywang niya. Tahimik silang apat, maliban sa kambal na kinukulit ang bunsong kapatid, kaya natatawa na lang si Xanth, napapatalon ito mula sa bisig ng ama kapag natatawa sa mga kapatid. Tahimik lang si Kristen na nakatingin sa kaniyang dating asawa; habang pinagmamasdan niya itong buhat ang kanilang anak ay parang napupuno ng panghihinayang ang kaniyang puso at kusa na lang nagkakaroon ng mga katanungan sa kaniyang isipan. What if na hindi sila naghiwalay ni Cedric? Siguradong magiging masaya silang pamilya kasama ang kanilang anak. Oo, sigurado siya na