Dala-dala ni Kristen ang kaba hanggang sa kaniyang pagtulog. Kinabahan siya sa hindi malamang dahilan dahil lang sa narinig niya ang boses ni Cedric na siyang tumawag kanina. Malamang ay nalaman na nito ang pagpapa-appointment niya kaya agad siyang tinawagan. Pero ngayon matutulungan naman siya ni Cadmus ay hindi na niya kailangan pang humingi ng tulong kay Cedric. Dahil nagkataon lang naman na wala talaga siyang choice kundi lumapit. Pero ngayon, hindi na kailangan pa. Kinabukasan ay muli niyang binuhay ang kaniyang phone, pero sa pagbuhay niya ay sunod-sunod na ang pagtawag galing sa iba't ibang number, at mga text message na nagsasabing sagutin na niya ang tawag dahil galing sila sa Arcazshde Law Office. Ngunit hindi niya sinagot at pinatay na lang ang phone, at dahil ayaw na siyang t